Sabado, Disyembre 6, 2014

Problemado sa relief goods? Mag-text sa DSWD

Hindi ba nakarating ang relief goods? O kaya kulang?

Mag-text sa 09209463766.

Ang 09209463766 ang text hotline na inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga reklamong may kinalaman sa relief goods.

Hinihikayat ng DSWD ang mga kababayan na mag-ulat sa kanilang tanggapan kung may problema sa pamamahagi o kaya ay hindi naabot ng relief goods ang kanilang lugar.

Kailangan ibigay ng magpapadala ng SMS ang detalye ng problema o sitwasyon, lugar (barangay, bayan lalawigan), pangalan ng sangkot sa problema o sitwasyon.

Panawagan ng DSWD, huwag tawagan ang hotline, mag-text lang.

Sa Lunes, sisimulan ng DSWD ang pagbibigay ng panibagong distribusyon ng family food packs at bigas para sa mga kababayang sumama sa pre-emptive evacuation o kaya ay force evacuation nitong Huwebes o Biernes sa Kabisayaan.

Ang sentro ng distribusyon ngayon para sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ruby sa kabisayaan ay nasa Cebu.

Ang DSWD ay karaniwang naglalaan ng 200 – 300 sako ng bigas (tig-50 kilo bawat isa) sa bawat lokal na pamahalaan (LGU o local government unit) na maapektuhan ng bagyo; ngunit ang suporta ay nakadepende sa kakayahan ng LGU o kaya sa natitira nitong calamity fund.

Karaniwan ipinapadala ng DSWD ng mas maaga ang mga bigas at relief goods para maimpake ng mga lokal na pamahalaan.

Umabot sa 318,532 family food packs ang nailaan ng DSWD sa iba't ibang apektadong nilang field offices.


Samantala, ang Bagyong Ruby ay tumama sa kalupaan ng Dolores, Eastern Samar dakong 9:15 kagabi at inaasahan ng Pagasa-DOST na makakarating sa Masbate mamaya dakong alas 9 ng umaga batay sa . (LP)  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento