Binabantayan ngayon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa (RDRRMC-Mimaropa) at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan (Palawan PDRRMO) ang pagkilos ng Bagyong Seniang.
Signal No. 2 na umiiral sa Palawan at sa isla ng Cuyo samantalang Signal No. 1 sa Calamian group of Island alinsunod sa Severe Weather Bulletin No. 1 ng Pagasa-DOST.
Alertado na ang operation center ng Palawan PDRRMO at ang mga rescue unit ng lalawigan.
Naka-standby na rin ang mga ahensiya ng DILG, DSWD,DOH, PNP, BFP at iba pang mga miyembro ng RDRRMC -Mimaropa.
Nakataas sa White Code ang mga pagamutang nasa ilalim ng DOH samantalang tiniyak naman ng Department of Agriculture ang mga butong pampalit sa mga pananim na masisira kung saka0-sakali.
Namahagi na rin ng mga impormasyon tungkol sa bagyo ang Coast Guard District Southern Tagalog at ang Coast Guard District Palawan.
Sa ulat ng RDRRMC-Mimaropa (Sitrep No. 1 Effects of TS Seniang), suspindido ang operasyon sa pantalan ng mga sumusunod na mga biyahe: Dangay Port (Oriental Mindoro) papuntang Caticlan Port (Iloilo); Roxas Romblon port (Romblon) - Cajidiocan port (Sibuyan island); Puerto Princesa Port-Cuyo papuntang Iloilo at Coron (Palawan)-Manila.
Sa ulat naman ng Coast Guard Station - Oriental Mindoro at Coast Guard Station Romblon, umabot sa 2,150 (1,800 sa Oriental Mindoro samantalang 350 naman sa Romblon) ang bilang mga pasaherong pansamantalang pinahimpil sa mga pantalang kani-kanilang nasasakupan.
Anim na put anim na rolling cargoes ang naistranded sa Oriental Mindoro.
Anim na sasakyang pandagat ang nakahimpil naman sa pantalan ng Oriental Mindoro at isa sa Romblon.
Para sa karagadagang impormasyon hinggil sa mga operasyon ng pantalan, tumawag sa Office of Civil Defense - Mimaropa (043- 723 4248).
Ang OCD-Mimaropa ay maari ding sulatan sa email: ocd4_mimaropa@yahoo.com o kaya ay region4b@ocd.gov.ph. #
30 Disyembre 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento