Balik sa dati ang mga pantalang nagsuspinde ng operasyon bilang paghahanda sa pagdaan ng Bagyong Seniang.
Sa ulat ng Office of Civil Defense - Mimaropa, balik byahe ang rutang mula Dangay Port (Oriental Mindoro) papuntang Caticlan Port (Iloilo) at Romblon Port papuntang Cajidiocan Port (Sibuyan Island).
Suspendido pa rin ang pagbiyahe ng mga barko't bangka sa mga pantalan ng Puerto Princesa City (pati Cuyo island) - Iloilo at Coron (Palawan) papuntang Maynila.
Sa pagkakaalis ng mga babala ng bagyo sa ibang lugar, sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson Armand Balilo (sa isang panayam sa Radyo ng Bayan) na pinayagan na nila ang mga shipping lines na na makapagbiyahe maliban sa mga barko sa Palawan kung saan umiiral pa ang Public Storm Warning Signal No. 1.
Tulad sa Dangay Port kung saan maraming pasahero papuntang Iloilo at Zamboanga ang naipon, umaasa si Balilo na makakaabot ang mga ito sa pagdiriwang ng bagong taon mamayang hating-gabi.
Noong Martes, Ika-30 ng Disyembre, iniulat ng OCD-Mimaropa batay sa mga pinagsama-samang report ng Coast Guard station sa Oriental Mindoro, Romblon, Puerto Princesa City at El Nido na umabot sa 2,179 ang bilang mga pasaherong naistranded.
31 Disyembre 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento