Ipinapakita ang mga post na may etiketa na RDRRMC. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na RDRRMC. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Oktubre 15, 2015

NDRRMC Update hinggil sa Bagyong Lando



NDRRMC-Opcen: Pinaghahanda na ni NDRRMC executive director Usec Alexander Pama ang mga kababayan natin sa mga lugar na may typhoon signal ngayon pa lang upang mapaghandaan ang posibleng epekto ng pagtama sa kalupaan ng Typhoon Lando.Sa Linggo ng madaling araw ito inaasahang tatama sa parteng Aurora,Isabela.Maaaring magdulot itong bagyo ng malakas na hangin,pagbaha at storm surge.(report from PIA/fgm as of 12:37 noon today)

NDRRMC-Opcen: Sa ginagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA), iniulat ng PAGASA na maaaring tumama sa Aurora,Isabela area sa linggo Oct 18 bandang 4 hanggang 8 ng umaga.Sa Sabado ng 2pm mararamdaman na ng pag ulan at bugso ng hangin sa nasabing lugar. Tinatayang aabot sa 185 kph ang lakas ni Typhoon Lando kapag tumama sa kalupaan.(report form PIA/fgm as of 12:37 noon today)

Magsasagawa ng press conference ang PAGASA-DOST mamayang alas-5 ng hapon: posibleng isahimpapawid ng mga himpilan ng TV at radyo.

Martes, Disyembre 30, 2014

Mga taga-Palawan, pinag-iingat kay Bagyong Seniang


                                                                                   Ang mapa ay mula sa Pagasa-DOST

Araw na lang binibilang at magpapalit na ng taon. 

Gayumpaman, hindi dapat maging kampante ang mga kababayan dahil may bahagi ng Mimaropa partikular ang Palawan (masdan ang mapa sa itaas) na maaring daanan ng Bagyong Seniang na bumabagtas ngayon sa ilang parte ng Kabisayaan at Kamindanawan.

Sa pagtaya ng Pagasa-DOST (Severe Weather Bulletin No. 10-A), mamamataan ang bagyong Seniang sa layong 70 kilometro bawat oras timog-timog silangang ng Puerto Princesa City bukas, Miyerkules (ika-31 ng Disyembre) ng umaga.

Malapad ang kaulapan ni Seniang---300 kilometro ang diyametro---at lahat ng lugar na babagtasin nitong bagyo ay maaring makaranas ng  pito't kalahati hanggang labing limang milimetrong pag-ulan kada oras.

Taglay ng Bagyong Seniang ang lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras at pagbugso ng aabot sa 80 kilometro bawat oras, kumikilos si Seniang pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Dahil dito, Itinaas ng ahensya ang Public Storm Warning Signal No. 1 sa buong Palawan kasama ang mga isla ng Calamian at Cuyo.

Pinag-iingat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa ang mga kababayan sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mabababa at bulunbunduking lugar.

Hinihikayat din ng mga awtoridad ang mga nagmamay-ari ng maliliit na bangka na iwasan munang pumalaot dahil ang bagyong Seniang ay may kakayahang lumikhang mga dambuhalang along na aabot sa taas na limang metro.

Abangan sa radyo, TV at sa internet ng mga pinakahuling pagtaya ng Pagasa-DOST sa Bagyong Seniang. #

30 Disyembre 2014

Miyerkules, Nobyembre 26, 2014

RDRRMC ng Mimaropa, pinaghahandaan si TD Queenie

Ang larawang ito ay mula sa PAGASA-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 27 (PIA) --- Hindi pa nakakarating sa Mimaropa ang Tropical Depression Queenie pero  pinaghahanda ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan sa rehiyon  lalo na yung mga taga Palawan na maghanda na.

Nakataas ang Public Storm Signal Number 1 sa Calamian Group of islands, Cuyo Islands at sa nalalabing bahagi ng Palawan.  

Pinasabihan na ang mga may-ari ng mga malalaking at maliliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban muna ang paglaot habang hindi nakakalagpas ang TD Queenie.

Tulad ng dati, nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense (Mimaropa) sa lahat ng response organizations para paghandaan ang parating na tropical depression.

Alertado na rin ang mga field office ng Department of the Interior and Local Government.
Naka-antabay na rin ang mga Social Welfare and Development teams sa buong rehiyon at maging ang kanilang quick reaction teams.

Ayon pa sa Department of Social Welfare and Development - Mimaropa, nakaposisyon na ang kanilang mga relief goods sa mga malalayong island barangays.

Mayroong 18,766 family food pack ngayong ang DSWD-Mimaropa.

Nasa Code White ang status ng Deparment of Health - Mimaropa na patuloy ang pagmamatyag sa kanilang mga tanggapan sa iba't ibang lalawigan.

Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Provincial Regional Office ng PNP-Mimaropa kabilang na rito ang kanilang search and rescue team.

Nakakalat naman sa iba't ibang district office ang mga asset ng Department of Public Works and Highways gaya ng heavy equipment para makatulong sa clearing operation.

Gaya ng OCD-Mimaropa, wala tigil ang Coast Guard District Southern Tagalog  ng mga weather bulletins sa kani-kanilang substations sa bawat probinsya.

Naka-stand by naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung kakailangan sa mga mga rescue operations: mayroon silang mga emergency medical units bukod sa mga fire-fighting equipments at personnel.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na mayroon silang mga planting materials na pwedeng ipamalit sa mga pananim na posibleng masira kapag naminsala ang TD Queenie.

Bagamat wala sa ilalim ng public storm signal number 1, naghanda na rin ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management office ng Romblon at Oriental Mindoro  sa pagdating ng TD Queenie na may pito hanggang labinglimang millimetrong ulan sa loob ng kanyang tatlong daang kilometrong diyametro na maaring maging dahilan ng pagguho ng lupa o kaya ay biglaang pagbaha sa mga mabababang at bulubunduking lugar.

At panghuli, ang PIA-Mimaropa naman ang tumutulong sa pagpapakalat ng impormasyon sa mga hakbang na ginagawa ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa OCD-Mimaropa sa (042) 723-4248 o kaya sa ocd4_mimaropa@yahoo.com. (Lyndon Plantilla)