Biyernes, Nobyembre 28, 2014

Ilang mga residente sa mga baybaying barangay sa Palawan, pinalikas bago bumagyo


Ang larawan ay mula sa PAGASA-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 28, (PIA) - Maaang pinalikas ng mga awtoridad ang mga residenteng ng ilang coastal barangay sa Palawan para makaiwas agad sa disgrasya sa Bagyong Queenie.

Sa ulat ng Office of Civil Defense - Mimaropa (Sitrep No. 6)- umabot sa 2, 137 katao ang nailipat sa evacuation center.

Karamihan ng mga evacuees ay mula sa mga bayan ng Culion (mga barangay ng Osmena at Jardin), Taytay (mga barangay ng Poblacion, Biton at Pamantolon), Araceli at Linapacan (mga barangay ng Calibangbangan at San Miguel).

Ang mga  bulto ng evacuees ay mula sa Barangay Poblacion ng Taytay, sumunod ang Barangay Calibangbangan ng Linapacan at panghuli ay ang bayan ng Araceli.

May ilang mga evacuees sa Araceli, mga 140 katao, tumutuloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak sa halip na sa evacuation centers.

Ang maagang paglilikas ay karaniwang hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan gaya ng Albay para maiwasan mapinsala ang mga mamamayan sa bagyo. (LP)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento