LUNGSOD QUEZON¸
Nobyembre 13 (PIA)---Muling makikipagsabayan ang Mimaropa sa
iba pang rehiyon na lalahok sa 4th Quarter Nationwide
Simultaneous Earthquake Drill.
Para sa Mimaropa¸
ang pilot area o pagdarausan ng kick-off rites ng Earthquake Drill ay
ang Capitol Compound ng Palawan sa Lungsod Puerto Princesa.
Ayon
kay Neri Amparo¸
Senior Civi Defense Officer ng Office of Civil Defense – Mimaropa¸
nilalayon
ng earthquake drill ay makasanayan ng mga kababayan ang mga hakbang
na dapat gawin kapag lumindol at iba pang kaakibat na pangyayari gaya
ng pagbagsak ng mga gusali o kaya ay sunog.
Kabilang
na rito ang pagtukoy ng sisilungan kapag lumindol kung saan pwedeng
yumuko (duck)¸ magtakip
(cover) at panatilihin ang posisyon (hold) habang hindi pa natatapos
ang pagyanig.
Bago
sumapit ang pagsasanay¸
pinag-uusapan ng mga kalahok ang mga bahagi ng kanilang lugar na
maaring maging magdulot ng pinsala at ang mga lusutang ligtas daanan
patungo sa lugar na paglilikasan.
Sa
paaralan man o sa mga tanggapan ng pamahalaan¸
bawat isang kalahok ay may papel na gaganapan.
Para
kay Amparo¸ ang
paghahanda sa sakuna ay responsibilidad ng lahat: bawat pamilya ay
dapat maghanda.
Dapat
din anyang may bagong evacuation kits at medical kits ang mga
kababayan para may magagamit sa sandaling lumindol.
Sa
gaganapin na earthquake drill sa Kapitolyo¸ ang pagbabatayan ng
pagsasanay ay ang lindol na may lakas na magnitude 7.
Magkakaroon
ng eksena ng pagguho ng istraktura¸ sunog at pagkakaipit ng may
dalawampung katao sa tatlong gusali ng Kapitolyo.
Sa
earthquake drill din masusubukan ang bilis na pagresponde ng mga
rescue unit ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Office at ng Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction
and Management Office na magsasanib- puwersa sa pagsasanay.
Umaasa
si Amparo na dadalasan din ng mga establisimento at paaralan sa
Mimaropa ang pagdaraos ng pagsasanay sa lindol may sabayang
earthquake drill man o wala. (Lyndon Plantilla)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento