Inilunsad sa Pantalan ng Puerto Princesa nitong Martes, pinangunahan ng Department of Health-Mimaropa ang paglilinis ng mga lugar na pwedeng pamahayan ng lamok sa mga pasilidad ng barko at puerto sa buong rehiyon.
Hanap ng mga awtoridad ang mga lamok na makakapagdulot ng dengue fever, malaria at maging filariasis.
Ang disinfection at misting operation ay suportado ng Philippine Ports Authority at ng mga pamahalaang lokal ng bawat lalawigan.
Naniniwala si Regional Director Eduardo Janairo na makakatulong ang kampanya para maiwasan makalipat ang mga lamok mula sa mga barko papuntang mga probinsya at mula sa mga lalawigan pabalik ng barko.
Tiniyak ni Director Janairo na babatayan ng kanilang mga kasamahan sa probinsya ang disinfection at misting operasyon sa mga pier upang matiyak na maprotektahan sa dengue, malaria at filariasis ang mga pasahero, mangagawa sa terminal, mga tripulante at maging ang mga kababayan sa mga lalawigan.
Hinikayat ni Director Janairo ang mga namamahala ng puerto at mga nagmamay-ari ng mga barko na magsagawa ng madalas na paglilinis partikular sa ilang bahagi ng terminal at barko gaya ng comfort rooms, basurang walang takip, bubungan, alulod at mga ilaim ng lababo.
Naiulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU)na nakapagtala ang rehiyon ng 1,818 kaso ng dengue mula Enero hanggang - Ika-18 October 18, 2014.
Mula sa nasabing bilang ng mga kaso, ang 1,146 na kaso ng dengue ay nasa Palawan.
Pero mababa ang bilang ngayong taon kumpara sa noong 2013 (4,941 cases).
Karamihan ng mga nagkasakit ay nagkakaedad ng isang buwan hanggang 94 taong gulang.
karamihan din ng mga may-sakit ay mga lalaki.
Labing isa ang bilang ng namatay sa Dengue sa Mimaropa.
Pagdating sa Malaria, ang rehiyon ay nakapagtala ng 352 na kaso ngunit mababa na naman ang bilang ngayong taon kung ikukumpara sa katulad na panahon noong 2013 na mayroong 1,170 na kaso.
Gayumpaman, karamihan ng mga kaso ng Malaria ngayong taon ay nasa Palawan rin (342 cases).
Nasa pagitan ng dalawang buwan hanggang 89 taong gulang ang edad ng mga nagkasakit at karamihan ay mga lalaki.
Tatlo naman ang naiulat na namatay sa rehiyon dahil sa Malaria.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento