QUEZON CITY, ika-22 ng Oktubre (PIA): Magpupulong ngayong Huwebes ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Lungsod Pasig para pag-usapan ang pangangalaga ng biodiversity sa kanilang mga lugar.
Sa National Conference on Local Conservation Areas, pangungunahan ng Biodiversity Management Bureau, kasamang lalahok ang bayan ng San Teodoro (Oriental Mindoro) sa dalawang araw na talakayan hinggil sa pagtatatag ng local conservation areas.
Ang Local Conservation Area ay bahagi ng isang lugar na hindi nasasaklaw ng NIPAS (National Integrated Protected Areas System) Act of 1992 kundi pinoprotektahan sa ilalim ng ordinansa na ipinasa ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Environment and National Resources Secretary Ramon J.P. Paje, umaasa silang darami pa ang mga lokal na pamahalaan na mauunawaan ang kaugnayan ng kanilang ekonomiya sa pangangalaga ng kanilang eco system at iba pang likas yaman.
Inaasahang tatalakayin din sa kumperensya ang mga isyu ng turismo, pagbabago ng panahon, insentibo sa mga lokal na pamahalaan at iba pang karanasan sa pangangalaga sa agrikultura at pangisdaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento