QUEZON CITY, ika-27 ng Oktubre, (PIA): Maraming bata sa
Palawan ang nabiyayaan ng scholarship o allowance sa Draw and Tell Competition.
Ayon kay Pollie David ng Palawan Provincial Social Welfare and
Development Office, ang mga batang nagwagi
ng first place sa mga mga kategoryang ng singing at drawing ng Draw and
Tell ay nakakatanggap ng Php 5,000 kada taon bawat baiting hanggang sa
makatapos ng elementarya.
Bukod pa ang nasabing halaga ang mahigit sa tatlong libong
cash prize na mapapanalunan sa araw ng kumpetisyon.
Ang Draw and Tell ay
isa sa mga paboritong talent competition na idinadaraos ng mga lokal na
pamahalaan sa Palawan tuwing Children’s Month bawat Oktubre ng taon.
Ngayong araw na ito, isang Draw and Tell competition ang idinadaos sa
bayan ng Coron bilang bahagi ng pangrehiyong pagdiriwang ng Children’s Month sa
pangunguna ng lokal na pamahalaan at ng Department of Social Welfare and Development
-Mimaropa.
Bukod sa Draw and Tell, nakatakdang ganapin ngayong hapon
ang Palarong Pinoy gaya ng tumbang preso, luksong tinik, patintero at piko sa
Coron Coliseum.
May laro din para sa isipan gaya ng dama at sungka.
Ang Children’s Month ay isang adbokasiya para isulong ang
mga karapatang pambata at mga polisiyang nagbibigay proteksyon sa kanila. (LP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento