Miyerkules, Oktubre 29, 2014

Misting at disinfection ng mga pantalan sa Oriental Mindoro, sinimulan na

QUEZON CITY, Ika-30 ng Oktubre, (PIA) Nagsagawa ng misting at disinfection ang kinatawan ng Department of Health -Mimaropa sa Calapan Port.

Bahagi ito ng pinagsanib na kampanya ng DOH-Mimaropa, Philippine Ports Authority at ng mga lokal na pamahalaan kontra sa dengue, malaria at filariasis.

Umaasa ang mga awtoridad na malilinis ang mga lugar na pwedeng pamugaran ng mga lamok na makapagdadala ng sakit mula sa mga pasilidad ng terminal hanggang sa kasuluk-sulukan ng mga barko.

Inaasahang din mailulunsad ng DOH-Mimaropa sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang pneumococcal vaccination. (Lyndon Plantilla)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento