Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Department of Social Welfare and Development-Mimaropa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Department of Social Welfare and Development-Mimaropa. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Disyembre 19, 2015

Relief assistance to Nona’s survivors in Mimaropa reach more than Php 9-M

QUEZON CITY, December 20 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development – Mimaropa reported on Saturday more than Php 9-M  (as of  3 pm, December 19) worth of relief assistance has been provided to survivors of Typhoon Nona in the region.

Half of the amount is the cost of family food packs distributed by local government units while the other half were fund augmented by the National Government.

Non-government organizations donated food packs worth Php 50,080.   

Since December 13, DSWD-Mimaropa, as well as the rest of the agency members of the Mimaropa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, has been monitoring Typhoon Nona.

Food packs were prepositioned in various parts of the region to serve far and isolated barangays also known as Geographically Isolated Depressed Areas.

For instance, DSWD-Palawan and the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office collaborated in the stock piling of relief goods in Coron-Busuanga Area.

Based on its monitoring, DSWD-Mimaropa reported that Oriental Mindoro  continues to operate 113 evacuation centers serving 4, 985 families or 20, 567 individuals.

In terms of damaged houses, Oriental Mindoro the highest number in the region: 20,314 (totally damaged) and 17,842 (partially damaged).


DSWD Mimaropa’s Quick Response Team is monitoring and validating data received in the field for further resource augmentation on a 24 hour basis. (LP)

Relief assistance sa mga survivor ni Nona sa Mimaropa, lagpas Php 9-M

LUNGSOD QUEZON, ika-20 ng Disyembre (PIA) --- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development – Mimaropa nitong Sabado na mahigit sa Php 9-M  (batay sa ulat nitong  ika-19 ng Disyembre, ika-3 ng hapon) na halaga ng  relief assistance ang naibigay sa mga  nakaligtas o survivor ng Typhoon Nona sa buong rehiyon.

Kalahati ng halaga ay mga family food pack na ipinamahagi ng mga lokal na pamahalaan  samantala ang nalalabi ay pondong natipon at ibinahagi ng pambansang pamahalaan.

Nag-ambag din ang mga non-government organization na family food packs na nagkakahalaga ng Php 50,080.   

Mula pa noong ika-13 ng Disyembre, nagbabantay na sa pagkilos ng Bagyong Nona ang DSWD-Mimaropa, kasama ang iba pang ahensiyang kasapi ng  Mimaropa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Maagang nagposisyon ang regional office ng mga food pack sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon lalo na yung mga bayan na may malalayong barangay o kung tawagin ay Geographically Isolated Depressed Areas.

Isang halimbawa ay sa  gawi ng Coron at Busuanga kung saan nagtulungan ang DSWD-Palawan at ang kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagtitipon ng relief goods.

Batay sa kanilang monitoring, iniulat ng DSWD-Mimaropa ang Oriental Mindoro ang may mataas na bilang ng mga nasirang tahanan: 20,314 (ganap na nasira) and 17,842 (bahagyang nasira).

Nagpapatuloy din ang operasyon ng lalawigan sa may  113 evacuation centers kung saan 4, 985 families or 20, 567 individuals sineserbisyuhan.

Ang Quick Response Team ng DSWD Mimaropa ay walang tigil ang pagbabantay at sa kasusuri ng datos na nanggaling sa kanilang mga field offices hinggil sa mga kababayan at mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Nona. (LP)

Linggo, Oktubre 26, 2014

Draw and Tell sa Palawan: bukal ng biyaya para sa mga batang makasining


QUEZON CITY, ika-27 ng Oktubre, (PIA): Maraming bata sa Palawan ang nabiyayaan ng scholarship o allowance sa Draw and Tell Competition.

Ayon kay Pollie David ng Palawan Provincial Social Welfare and Development Office, ang mga batang nagwagi  ng first place sa mga mga kategoryang ng singing at drawing ng Draw and Tell ay nakakatanggap ng Php 5,000 kada taon bawat baiting hanggang sa makatapos ng elementarya.

Bukod pa ang nasabing halaga ang mahigit sa tatlong libong cash prize na mapapanalunan sa araw ng kumpetisyon. 

Ang  Draw and Tell ay isa sa mga paboritong talent competition na idinadaraos ng mga lokal na pamahalaan sa Palawan tuwing Children’s Month bawat Oktubre ng taon.

Ngayong araw na ito, isang Draw and Tell competition ang idinadaos sa bayan ng Coron bilang bahagi ng pangrehiyong pagdiriwang ng Children’s Month sa pangunguna ng lokal na pamahalaan at ng  Department of Social Welfare and Development -Mimaropa.

Bukod sa Draw and Tell, nakatakdang ganapin ngayong hapon ang Palarong Pinoy gaya ng tumbang preso, luksong tinik, patintero at piko sa Coron Coliseum.

May laro din para sa isipan gaya ng dama at sungka.


Ang Children’s Month ay isang adbokasiya para isulong ang mga karapatang pambata at mga polisiyang nagbibigay proteksyon sa kanila.  (LP)