Martes, Marso 5, 2019

DAR-Mimaropa, ilulunsad ang CLAAP ngayon sa Odiongan

Ayuda sa ARBs: Ipinapaliwanag ni DAR Mimaropa Regional Director Eugene Follante na papalakasin nila ang mga bagong ARB sa pamamagitan ng pagbibigay ng  makinarya at mga pagsasanay sa kanila

Ilulunsad mamayang ika-2 ng hapon ng Department of Agrarian Reform (DAR) – Mimaropa ang Convergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project  o CLAAP para sa Tablas Island.

Kasabay sa paglulunsad ng CLAAP mamaya sa Odiongan Covered Court, Odiongan, Romblon ang paglagda sa isang memorandum of agreement.

Tulad ng DAR, suportado at pinupondohan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang CLAAP na isang programang para sa mga benipisyaryo ng Agrarian Reform (Agrarian Reform Beneficiary o ARB).

Ilan sa mga serbisyong mapapakinabangan ng mga ARB sa CLAAP ay ang pagkakaroon ng mga technical assistance gaya ng mga pagsasanay, paggabay o coaching at mentoring sa pangangasiwa ng isang samahan at paggawad ng mga kapital para suportahan ang mga pagpapatakbo at pagpapalawak ng operasyon ng  samahan.

Pangunahing layunin ng CLAAP ay mapataas ang kita ng mga maralitang ARB nang hanggang 15 porsiyento sa loob ng limang taon pagkatapos ng proyekto.

Sa ilalim ng CLAAP, may 283 ARBs sa Tablas Island ang inaasahang makikinabang.

Masasaklaw  ng CLAAP ang may 13 ARBO (ARB Organizations) sa mga bayan ng Odiongan, San Agustin, San Andres, Ferrol, Sta. Fe, Alcantara, Looc at Santa Maria.  

kabilang sa inaasahang dadalo sa paglulunsad ay sina DAR Undersecretary Karl S. Bello at DAR Mimaropa Regional Director Eugene P. Follante. #

Miyerkules
Ika-6 ng Marso, 2019
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento