Miyerkules, Hunyo 19, 2019

Mga Batayang Filipino Sign para sa DRR


Mahalagang makasama ang mga sektor sa paghahanda sa anumang sakuna gaya ng lindol, pagbaha at iba.

Ngayon Ikalawang 2019 National Simultaneous Earthquake Drill (2nd Quarter), ibinahagi ng Deaf Disaster Assistance Team - DRR Manila Chapter ang ilang Filipino Signs na magagamit sa paghahanda sa mga kababayang Bingi sa kalamidad.

Nasa Ingles man ang mga termino, Filipino Sign Language (FSL) naman ang sign language na ginamit ni Mr. Ferdinand Vizmanos para maipaunawa sa mga kababayan, bingi man o hindi, ang mga pangkaraniwang kataga sa disaster risk reduction and management (DRRM).

Maraming salamat din kay Ms. Joi Villareal ng Philippine National Association of Sign Language Interpreters na siyang nagpa-facilitate ng video sa akin.

Narito ang link ng video: https://www.youtube.com/watch?v=c9hw0QPp2L0

Martes, Marso 5, 2019

DAR-Mimaropa launches CLAAP for Tablas Island today

DAR Mimaropa Regional Director Eugene Follante says the Department is strengthening ARBs through training and provision of machineries. 

The Department of Agrarian Reform will launch this afternoon CLAAP (Convergenge on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project) for Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) in Tablas Island.

The project is set to benefit 283 ARBs in 13 ARB Organizations (ARBOs) in the towns of Odiongan, San Agustin, San Andres, Ferrol, Sta. Fe, Alcantara, Looc and Santa Maria.

The Launching will be held at the Odiongan Covered Court, Odiongan, Romblon at 2 pm.

Under CLAAP, a project both supported and funded by DAR and the Department of Social Welfare and Development, ARBs will be provide with technical assistance in the form of training, coaching and mentoring on enterprise operation and management, enterprise-based organizing as well as capital seed funds for the establishment or expansion of  livelihood projects and microenterprises.

The ultimate goal of CLAAP is to improve house hold incomes of poor or near poor ARBs by 15 percent in 5 years after the completion of the project.

Joining the launching are DAR Undersecretary Karl S. Bello and DAR Mimaropa Regional Director Eugene P. Follante.#

DAR-Mimaropa, ilulunsad ang CLAAP ngayon sa Odiongan

Ayuda sa ARBs: Ipinapaliwanag ni DAR Mimaropa Regional Director Eugene Follante na papalakasin nila ang mga bagong ARB sa pamamagitan ng pagbibigay ng  makinarya at mga pagsasanay sa kanila

Ilulunsad mamayang ika-2 ng hapon ng Department of Agrarian Reform (DAR) – Mimaropa ang Convergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project  o CLAAP para sa Tablas Island.

Kasabay sa paglulunsad ng CLAAP mamaya sa Odiongan Covered Court, Odiongan, Romblon ang paglagda sa isang memorandum of agreement.

Tulad ng DAR, suportado at pinupondohan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang CLAAP na isang programang para sa mga benipisyaryo ng Agrarian Reform (Agrarian Reform Beneficiary o ARB).

Ilan sa mga serbisyong mapapakinabangan ng mga ARB sa CLAAP ay ang pagkakaroon ng mga technical assistance gaya ng mga pagsasanay, paggabay o coaching at mentoring sa pangangasiwa ng isang samahan at paggawad ng mga kapital para suportahan ang mga pagpapatakbo at pagpapalawak ng operasyon ng  samahan.

Pangunahing layunin ng CLAAP ay mapataas ang kita ng mga maralitang ARB nang hanggang 15 porsiyento sa loob ng limang taon pagkatapos ng proyekto.

Sa ilalim ng CLAAP, may 283 ARBs sa Tablas Island ang inaasahang makikinabang.

Masasaklaw  ng CLAAP ang may 13 ARBO (ARB Organizations) sa mga bayan ng Odiongan, San Agustin, San Andres, Ferrol, Sta. Fe, Alcantara, Looc at Santa Maria.  

kabilang sa inaasahang dadalo sa paglulunsad ay sina DAR Undersecretary Karl S. Bello at DAR Mimaropa Regional Director Eugene P. Follante. #

Miyerkules
Ika-6 ng Marso, 2019
  

Miyerkules, Nobyembre 21, 2018

DOST-Pagasa: Palawan tatawirin ni Samuel

UPDATE KAY SAMUEL. Ipinapaliwanag ni DOST-Pagasa Weather Specialist Loriedin De la Cruz ang mga lalawigan (kulay blue green sa mapa) na makakatikim ng pa-ulan ni  Samuel. (Hango sa press briefing ng DOST Pagasa nitong Miyerkules ng hapon ang larawan)


Inaantay na lang ng mga taga-Palawan ang pagdating ng bagyong Samuel.


Ayon kay Loriedin De la Cruz, DOST-Pagasa weather specialist, mas kritikal ang Palawan dahil dadaanan ito ng sentro ng bagyo na nakarating na sa Sulu Sea at papunta sa dako ng Cuyo.

Sa press briefing kaninang hapon, iniulat ng DOST-Pagasa na ang katamtaman hanggang napakalakas ang pag-ulan sa Palawan kabilang ang mga isla ng Cuyo at Calamianes, Aurora, Quezon, Mindoro Provinces, isla ng Panay at Guimaras  ay maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulubunduking lugar at maging sa mga naninirahan malapit sa mga ilog.

Batay sa lahat ng datos, huling namataan kaninang ika-3 ng hapon ang mata ng bagyong  Samuel sa layong 65 kilometro timog-timog-silangan ng Cuyo, Palawan.

Taglay ni Samuel ang pinakamalakas na hangin na 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso nang hanggang 65 kilometro bawat oras.

Sa ngayon, kumikilos ang bagyong Samuel sa direksyon kanluran-timog-kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Una rito, hinakayat ni Office of Civil Defense Mimaropa Regional Director Eugene Cabrera sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na lantad sa panganib.

Kaninang hapon, ipinag-utos ni El Nido, Palawan Mayor Nieves Rosento ang pre-emptive evacuation sa kanilang mga kapitan ng barangay kung kinakailangan at siguruhin ang kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.

Kinansela din ni Rosento ang lahat ng mga inland at island tours ngayong Miyerkules kabilang ang pagbisita sa Nacpan Beach, Duli Beach, Bulalacao Water falls, Nagkalitkalit Waterfalls at Bundok Mansilawit.

Dahil dito, sinuspinde ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Oriental Mindoro tulad ng Pinamalayan at Mansalay ang pasok hanggang elementarya ngayong hapon.

Pero suspindido na ang pasok sa pre-school at kindergarten sa buong Southern Oriental Mindoro at Southern Occidental Mindoro alinsunod sa mga patakaran ng DepED tuwing may bagyo.

Sa  Palawan, sinuspinde ang pasok sa lahat  ng level ng  paaralan sa El Nido, Culion, Agutaya, Dumaran, Magsaysay, San Vicente,  Cuyo Island, Cagayancillo at Coron.
Hanggang highschool ang suspindido ang klase sa Araceli, Roxas, Linapacan, Busuanga at Taytay.        
Pinairal din ng Puerto Princesa City at ng mga bayan ng Quezon at Balabac ang suspension ng pasok sa pres-school at kindergarten.

Sa Romblon, ang bayan ng Calatrava ang tanging nagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas ng paaralan samantala ang mga bayan ng Romblon at San Agustin ay nagsuspinde ng pasok hanggan sa highschool lamang.

Hanggang elementary naman ang suspension ng klase sa bayan ng Cajidiocan.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1, ay awtomatikong suspendido ang pasok sa kindergarten at pre-school, pampubliko man o pribado, alinsunod sa DepEd Order No. 43 Series of 2012.

Kapag umakyat sa TCWS No. 2 ang babala, suspindido naman ang pasok hanggang elementarya.
Wala na ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan kabilang ang graduate school kung itataas ng DOST-Pagasa ang babala ng bagyo sa Signal No. 3 o higit pa.

Kung walang babala ng bagyo ngunit masama ang lagay ng panahon sa isang lugar, maaaring magdeklara ng suspension ng klase ang lokal na pamahalaan nito.

Bukas, dakong ika-2 ng hapon, tinataya ng DOST-Pagasa ang lokasyon ng bagyong Samuel ay nasa layong 255 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan. #