QUEZON CITY, Ika-30 ng Oktubre --- Bagamat gipit na sa panahon, susubukin pa
rin ng Commission on Elections (Comelec) - Region IV na maipatala ang natitirang
mahigit sa kalahating milyong botanteng wala na pang biometrics registration
ngayong katapusan.
Batay sa record ng Comelec
Region IV noong October 25, ang wala pang biometric registration sa
Calabarzon at Mimaropa ay 547,141 pa.
Sa panayam kay Atty. Juanito
Ocampo Icaro, ang Regional Election Director ng Comelec-Region IV, “may mga
parameter naman silang ipinatutupad para mairehistro ang lahat ng mga qualified
voters.”
Yung nga lang kailangan agahan
ng mga botante ang pagpunta sa tanggapan ng Comelec.
“Ang isang machine (voters
registration machine o VRM) ay mga 200-250 lang ang kanyang i-accommodate…para
hindi mag-antay maghapon, iniisyuhan naming ng number agad…first come, first
served basis po yun…hanggang October 31 gagawan natin ng paraan para
makapagparehistro ng maramihan,” sabi ni Director Icaro.
Bukod pa rito, nakapagdagdag pa
anya ang Komisyon ng mga VRM.
Pero kung hindi mairerehistro
sa isang voters registration machine ang biometrics ---lagda, larawan, iris ng
mga mata, mga marka ng mga daliri---ng isang botante ngayong Sabado,
sinabi ni Director Icaro na hindi ito makakaboto sa halalan sa Mayo
2016 alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 10367 o “An Act
Providing for Mandatory Biometrics Voters Registration.”
Kahit pa dati nang nakarehistro
ang botante pero nabigo siyang maipatala ang kanya biometrics, antimanong
pawawalang-bisa ng Comelec ang kanyang registration.
Isinisisi ni Director Icaro sa
“mamaya na habit” ng ibang mga kababayan ang pagdagsa ng mga botante sa mga
huling araw ng Biometrics Registration.
Ang mga nagpatala sa Comelec
general registration mula 1997 hanggang 2002 pati ang mga baguhang
botante at mga nangangailangan ng pagwawasto sa kanilang rehistrasyon ang
target ng RA No. 10367.
Mayroong satellite registration
ang Comelec Region IV sa Robinson’s Place sa Puerto Princesa City samantalang
ang karamihan ng pagpapatala ay sa mga field office ng Comelec sa iba’t ibang
lalawigan ng Mimaropa.
Para sa karagdagang impormasyon, pakinggan ang mga paliwanag pa ni Director Icaro sa mga sumusunod na link:
Huling Hirit sa Biometrics Registration
https://www.youtube.com/watch?v=Q4mu0m-anQc
NoBioNoBoto
https://www.youtube.com/watch?v=fdb0ylPaWVY
Batayan ng NoBioNoBoto
https://www.youtube.com/watch?v=AYHKKPPMEx4
Para sa karagdagang impormasyon, pakinggan ang mga paliwanag pa ni Director Icaro sa mga sumusunod na link:
Huling Hirit sa Biometrics Registration
https://www.youtube.com/watch?v=Q4mu0m-anQc
NoBioNoBoto
https://www.youtube.com/watch?v=fdb0ylPaWVY
Batayan ng NoBioNoBoto
https://www.youtube.com/watch?v=AYHKKPPMEx4
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento