Biyernes, Oktubre 30, 2015

DSWD-Mimaropa: may panahon pa para sumali sa Listahanan at Work Photo Contest




QUEZON CITY, Ika-28 ng Oktubre --- Mga photographer o mga mahilig maglitrato, makinig: hanggang ika-6 ng Nobyembre ang huling araw ng pagsusumite ng mga entry para sa kauna-unahang Listahanan at Work photo contest.

Inilunsad ang Listahanan at Work Photo Contest sa layuning maipakita sa publiko ang proseso ng pagtukoy sa mga benipisyaryo ng Listahanan at makalahok na rin sila sa pagkilatis sa paunang rehistro ng mga pamilya.

Ayon kay Ernie Jaraebejo, Listahanan Field Coordinator, bawat larawan ay kailangan sumalamin sa temang Listahanan at Work: Identifying families in need of social protection (Trabaho ng Listahanan: tukuyin ang mga pamilyang nangangailangan ng kalinga).

Pinaalalahanan ang mga photographer na ipadala sa DSWD Field Office ang sinagutang application form kasama ang tatlong halimbawa ng kanilang mga digital photograph.

Makukuha ang kopya ng application form sa website ng DSWD-Mimaropa (fo4b.dswd.gov.ph): pwede ring kopyahin ang application form sa ibaba.

Ang mga bawal sa patimpalak: bawal tatakan ang larawan (watermark, lagda o pangalan)

Bawal ang mga retokadong  larawang ngunit papayagan ang mga entry na sumailalim sa karaniwanang post-processing activity gaya ng  contrasting, color balancing, sharpening, cropping, dodging at burning

Ang mga mananalong photographer ay tatanggapan ng mga sumusunod na papremyo: Php 10,000 para sa grand  place, Php 7,000 para sa first runner-up at Php 5,000 para sa 2nd runner-up.


Pwede na diba? Habol na. (LP)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento