http://news.pia.gov.ph/gallery/pages/60#sthash.S4kJOy9C.dpuf
Hawak-hawak nina Mr. Marcelino Landig (pang-apat sa kaliwa) at Mrs. Hilda Hirondo (pangalawa mula sa kanan) ng Mogpog Vegetable Growers Association ang tarpaulin na kumakatawan sa pondong iginawad sa kanila ng Department of Science and Technology sa pamamagitan ng programang Grant-In-Aid (GIA). Ang kanilang samahan, may proyektong paggawa ng kendi mula sa buko, ang isa tatlong proyektong napondohan sa ilalim ng GIA sa Marinduque. Ang nalalabing proyekto ay ang fiber processing project ng Baliis Farmers Community Association (Sta. Cruz), proyektong virgin coconut oil at ng coconut concentrate ng Batayang Pamayanang Kristiyano (Buenavista) at pagtatayo ng kiln dry facility ng Bayan ng Boac. Mahigit sa Php 930,000 ang kabuuang halaga ng pondong inilaan sa mga proyekto. Bukod kina Landig, makikita rin sa larawan sina Marinduque Governor Carmencita O. Reyes (pangatlo mula sa kaliwa), Marinduque State College President Merian Mani (pangalawa mula kaliwa), Marinduque Provincial Science and Technology Director Bernardo T. Caringal (dulong kaliwa), at DOST-Mimaropa Regional Director Josefina P. Abilay (dulong kanan). Larawan mula sa DOST-Mimaropa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento