Nagpapaliwanag si Inang Kalikasan (Gitna) kina Camilla at Gian sa isang eksena ng dula.
Ito ang mga pag-uugnayin ng Inang Kalikasan: isang dulaang
papet na tumatalakay kung paano
makakakatulong ang mga bata para maibsan
ang epekto ng climate change.
Sa linggong ito, itatampok sa kauna-unahang pagkakataon ng Philippine Information Agency
at ng Department of Environment and Natural Resources (mga tanggapan sa Mimaropa)
sa kanilang Climate Change Campus Tour ang dulang Inang Kalikaasan sa ilang paaralan sa Boac, Marinduque.
Itatanghal ang Inang Kalikasan sa Don Luis Hidalgo Memorial
Elementary School (ngayon, ika-isa at kalahati ng hapon), Marinduque National
High School (Ika-12 ng Pebrero, ika-isa at kalahati ng hapon) at sa Marinduque
State College (ika-13 ng Pebrero, 8:30 ng umaga).
Bukod sa pagsasadula, tampok din sa Climate Change Campus
Tour ang talakayan sa agham at epekto ng nagbabagong panahon, mga posibleng
pagmulan ng sakuna sa Boac at pag-display ng mga standee (larawan sa ibaba) na dala-dala ng PIA Mimaropa
Pang-SELFIE: Sinusubukan ng mga estudyante ng Holy Infant Academy ng Calapan City ang mga standee na dala-dala ng PIA-Mimaropa sa PIA-DENR Climate Change Campus Tour.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento