BABALA NG BAGYO. Itinuturo ni Sheilla Reyes ng DOST-Pagasa ang dalawang lalawigan sa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 dahil sa Bagyong Ompong. (Larawan hango sa Press Briefing ng DOST-Pagasa)
Pinagbabawalan
ng mga awtoridad ang mga mangangisda at iba pang operator ng mga maliliit na
banca na pumalaot ngayon sa mga lugar kung saan nakataas ang Tropical Cyclone
Warning Signal No. 1.
Kaugnay ito sa pagdaan ng Bagyong Ompong sa Philippine Sea.
Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes, ang
mga lugar na sa ilalim ng TCWS No. 1 ay maaring makaranas ng pag-ulan na may
pagbugso ng hangin (30-60 kilometro bawat oras).
Sa ngayon, ang mga nasa ilalim ng TCWS No. 1 ay ang
Cantanduanes at Camarines Sur pa lang.
Subalit, sinabi ni Reyes na maaring makasama sa TCWS No. 1 ang
mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Polillo Islands, Camarines
Norte at Albay.
Posibleng ding lumakas ang Bagyong Ompong ngayon araw.
“Ïnaasahan pa rin ma-reach (ng Bagyong Ompong) ang peak
intensity sa 220 kilometers per hour ang maximum sustained winds at 270
kilometers per hour ang gustiness,”sabi ni Reyes.
Dapat iwasan din ng mga mangingisda at operator ng maliliit
na bangka ang mga silangan baybayin ng Samar, Leyte,
Southern Leyte, Surigao, Davao Oriental, Dinagat Island at Siargao kung saan
ang mga karagatan ay magiging maalon hanggang sa napakaalon na may taas na halos
tatlo hanggang apat at kalahating metro.
Ang puwersa ng hangin sa mga nasabing baybayin ay tatakbo sa
pagitan ng 41 – 64 kilometro bawat oras at makakaranas ng mauulap na papawirin
na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Pinapayuhan ang publiko na mag-monitor sa pagtaya ng panahon
ng DOST-Pagasa. #
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento