Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Setyembre 18, 2014

Ilang probinsya sa Mimaropa, apektado ng habagat: ilang mga byaheng pandagat, sinuspinde para iwas disgrasya

ORIENTAL MINDORO, Setyembre 19 (PIA): Bagamat walang babala ng bagyo sa Mimaropa, hindi pa rin nakaligtas sa mga malalakas na ulan ang ilang mga lalawigan ng rehiyon.

Ayon sa Pagasa-DOST, nahahatak ng bagyong Mario ang umiiral na Hanging Habagat pa kanluran kaya inulan at naapektuhang pagbyaheng pandagat sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at ilang bahagi ng hilagang Palawan.

Kaya naman agad nagdesisyon ang mga awtoridad sa mga pantalan at ang iba't ibang istasyon ng  Coast Guard District Southern Tagalog at Philippine Coast Guard (PCG) - Palawan na suspindihin ang mga byahe sa kanilang nasasakupan.

Sa Batangas Port, inulat ng Philippine Coast Guard (PCG)- Batangas at PCG-Abra De Ilog  na nasuspinde ang mga byaheng papunta at pabalik ng Calapan City Port (Oriental Mindoro) at Abra De Ilog (Occidental Mindoro).

Pero bago nasuspinde ang lahat ng byahe papuntang Batangas, nakapalaot pa ang isang barko ng Montenegro Lines kaninang umaga dakong alas otso y media.

Sa area ng PCG-Caminadawit sa Sa San Jose, Occidental Mindoro, kinansela nila ang lahat ng kanilang byahe.

Masamang panahon din ang dahilan kaya walang nagbyaheng maliliit na sea-vessel at motorbanca  sa Romblon, Romblon ayon sa PCG-Romblon.

Mahina man ang ulan sa dako ng Coron, Palawan, sinabi ng PCG-Coron na walang pinayagang pumalaot dahil sa paglakas ng hangin at alon sa karagatan.

Medyo lumaki ang mga alon sa karagatang nasasaklaw ng PCG-Dalahican sa Lucena kaya nasuspinde rin ang mga byahe don.

Suspindido rin ang mga byahe mula sa mga pantalan ng Banalacan at Cawit papuntang Dalahican batay na rin sa Sitrep 1 at Sitrep 2 ng Office of Civil Defense-Mimaropa. (LP)

Lunes, Hulyo 14, 2014

OCD, nananawagan sa mga bibiyahe sa Mimaropa na ipagpaliban muna ang lakad




Hinihikayat ng Office of Civil Defense-Mimaropa ang mga kumpanya ng bus na may byaheng -Calapan-Batangas at maging ang mga byahero mula sa Region 6 at iba pang lugar na papuntang Mimaropa na ikunsidera ang kanselasyon ng kanilang byahe ngayong araw na ito.

Kasama sa mga nag-suspinde ng operasyon ang Calapan Port bilang paghahanda sa pagdaan ng Bagyong Glenda.

Batay sa ulat ng ng OCD-Mimaropa kaninang alas-singko ng umaga, tanging ang Puerto Princesa City Port sa pitong pantalan ng Mimaropa ang nag-ooperate ngayon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang OCD-Mimaropa sa Coast Guard District Southern Tagalog at sa Philippine Ports Authority o PPA para maalalayan ang may 298 na pasahero na naistranded sa Calapan Port.

 Kung isasama ang mga pasahero mula sa iba pang pantalan na nagsuspinde ng operasyon, aabot sa 375 ang bilang ng mga pasaherong naistranded.

Stranded din sa iba't ibang pantalan ang may 21 na rolling cargo at 13 sea vessels.

PIA-Mimaropa Broadcast News
Lyndon Plantilla, 09392974857 and 02-9203922
15 July 2014