Lunes, Hulyo 14, 2014

OCD, nananawagan sa mga bibiyahe sa Mimaropa na ipagpaliban muna ang lakad




Hinihikayat ng Office of Civil Defense-Mimaropa ang mga kumpanya ng bus na may byaheng -Calapan-Batangas at maging ang mga byahero mula sa Region 6 at iba pang lugar na papuntang Mimaropa na ikunsidera ang kanselasyon ng kanilang byahe ngayong araw na ito.

Kasama sa mga nag-suspinde ng operasyon ang Calapan Port bilang paghahanda sa pagdaan ng Bagyong Glenda.

Batay sa ulat ng ng OCD-Mimaropa kaninang alas-singko ng umaga, tanging ang Puerto Princesa City Port sa pitong pantalan ng Mimaropa ang nag-ooperate ngayon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang OCD-Mimaropa sa Coast Guard District Southern Tagalog at sa Philippine Ports Authority o PPA para maalalayan ang may 298 na pasahero na naistranded sa Calapan Port.

 Kung isasama ang mga pasahero mula sa iba pang pantalan na nagsuspinde ng operasyon, aabot sa 375 ang bilang ng mga pasaherong naistranded.

Stranded din sa iba't ibang pantalan ang may 21 na rolling cargo at 13 sea vessels.

PIA-Mimaropa Broadcast News
Lyndon Plantilla, 09392974857 and 02-9203922
15 July 2014

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento