Ipinababatid ng Office of Civil Defense-Mimaropa na ipinagpaliban ang pagsasagawa ng Rescue Capability Demonstration Rehearsal at Actual Drill dahil sa inaasahang pagdaan ng Bagyong Glenda sa rehiyon.
Nakataas ang Public Storm Weather Signal No. 1 sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Romblon samantalang Signal Number 2 naman sa Marinduque.
Sa demonstrasyon na idaraos sana sa pagitan ng ika-16 at ika-`17 ngayong Hulyo, ipapakita sana ang mga aksyon na pwedeng gawin ng mga ahensiyang kabilang sa Mimaropa Disaster Risk Reduction and Management Council (Mimaropa-RDRRMC) kapag nagkaroon ng aberya ang isang barko, sunog sa pier at insidente ng terrorismo.
Pangungunahan ng Sandatahang Lakas, Philippine National Police at ng Coast Guard ang mga ehersisyong naka-takdang gawin sa demonstrasyon bilang bahagi ng mga aktibidad sa National Disaster Consciousness Month.
Samantala, ibinabalita pa lang ang pagdating ng Bagyong Glenda pero kumilos agad ang mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiyang nabibilang sa RDRRMC.
Naka-alerto ang mga provincial disaster risk reduction office at municipal office ng mga lokal na pamahalaan sa buong Mimaropa.
Ang regional field office ng Department of Social Welfare and Development ay maagang nagproseso ng mga karagdagang 20,000 family food pack para sa kanilang mga provincial Social Welfare and Development Team warehouse.
Nag-reposisyon din ang DSWD-Mimaropa ng mga food pack para sa mga liblib na barangay ng rehiyon.
Binabantayan naman ng Department of Public Works and Highways ang mga pambansang highways at mga tulay samantalang naka-white alert naman ang mga ospital ng Department of Health.
Kasama rin sa mga nagmamatyag sa kani-kanilang teritoryo ang mga sangay ng PNP.
Tumatakbo rin ang passenger assistance center ng Coast Guard District Southern Tagalog para sa mga naistranded na pasahero: katulong nila ang tanggapan ng Philippine Ports Authority sa pag-aasikaso sa mga pasahero sa Calapan Port.

Kasama sa naka-alert ngayon ang mga rescue units ng Coast Guard.
Nagbabantay din ang mga volunteers ng Philippine Red Cross partikular ang Mindoro Chapter at kasamang namamahagi ng impormasyon ang Kabalikat Civicom ng Marinduque.
Nagbabantay din ang mga volunteers ng Philippine Red Cross partikular ang Mindoro Chapter at kasamang namamahagi ng impormasyon ang Kabalikat Civicom ng Marinduque.
PIA-Mimaropa Broadcast News
Lyndon Plantilla, 09392974857 at 02-9203924
15 July 2014
Lyndon Plantilla, 09392974857 at 02-9203924
15 July 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento