Martes, Hulyo 15, 2014

Bilang ng mga naistranded na pasahero sa mga pantalan ng Mimaropa, nadagdagan



Umabot sa 504 ang bilang ng mga pasaherong naistranded sa mga pantalan sa Mimaropa.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense-Mimaropa  kaninang 10 ng gabi, mahigit sa 400 ang nasa Calapan Port sa Calapan City samantala ang natitira ay nasa  sa Abra de Ilog Port sa Occidental Mindoro, Dangay Port sa Roxas, Oriental Mindoro at Banalacan Port sa Mogpog Marinduque.

Una rito, nananawagan ang OCD-Mimaropa at iba pang mga miyembrong ahensiya ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa publiko na ipagpaliban muna ang kanilang mga lakad sa Mimaropa ngayong Martes at sa mga susunod na araw.

Matatandaang sinuspinde ng Calapan Port, Dangay Port, Abra de Ilog Port at iba pang pantalan ang kanilang mga operasyon bilang pag-iwas sa mga disgrasyang maidudulot ng pagdaan ng Bagyong Glenda sa  Mimaropa.

Tanging ang Puerto Princesa City Port sa Palawan ang normal ang operasyon.

Bukod sa mga pasahero, may 79 rolling cargoes at 6  na sea vessels ang naistranded din sa ilang mga pantalan.

Kaugnay nito, nagtutulungan ang OCD-Mimaropa, pamahalaang lungsod ng Calapan, Coast Guard District Southern Tagalog at Philippine Ports Authority para maalalayan ang mga pasahero. 

PIA-Mimaropa Broadcast News

Lyndon Plantilla, 09392974857 and 02-9203922

15 July 2014



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento