Miyerkules, Hulyo 16, 2014

Operasyon sa mga pantalan ng Mimaropa, suspendido pa rin



Papalayo na ang Bagyong Glenda, hindi pa rin mairerekumendang magbiyahe sa karagatan papunta sa alinmang lalawigan ng Mimaropa.

Sa ika-walong Sitrep ng Office of Civil Defense-Mimaropa, sinuspinde na rin ng mga pantalan ng Puerto Princesa, Cuyo at Coron ang kanilang mga operasyon gaya ng iba pang mga port sa ibang probinsya noong makalawa para maiwasan ang disgrasya sa pagdaan ng bagyong Glenda.

Matatandang nakasama ang Marinduque sa mga lalawigan isinalalim sa Public Storm Warning Signal (PSWS) No. 3 ang mga hilagang bahagi ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island at Marinduque bago pa humapas sa lupa ang bagyo.

Ang Romblon at mga nalalabing bahagi ng dalawang Mindoro ay nalagay sa Signal No. 2.

Umabot na sa 624 ang bilang ng mga na-istranded na mga pasahero at karamihan sa kanila ay nasa Calapan Port.

Nakikipag-ugnayan ang OCD-Mimaropa sa mga lokal na pamahalaan, Coast Guard District at Philippine Ports Authority para maalalayan ang mga naistranded na pasahero sa Calapan at sa iba pang mga pantalan.

Pitong-put-walong rolling cargo, karamihan nasa Calapan port at sa Abra de Ilog port ang na-istranded din.

May 11 sea vessel, kasama ang apat na motor banca sa Coron Port, nakahimpil sa mga pantalan ng Banalacan Port sa Mogpog, Marinduque (5), Poctoy Port ng Odiongan, Romblon (1) at Cuyo Port (1).

Sa Marinduque, pwede nang madaanan ang mga national highway na Torrijos-Buenavista at Torrijos Santa Cruz matapos pagtulungan linisin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Torrijos Engineering Department.

Inaalam pa ng OCD-Mimaropa kung madadaanan na ang mga spillway ng Anahawin at Villabeck sa Calintaan, Occidental Mindoro matapos mapaulat na binaha kaninang umaga.

PIA Mimaropa BROADCAST NEWS

LYNDON PLANTILLA, 0939-2974857 and 02-9203922

16 July 2014


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento