Linggo, Setyembre 14, 2014

Ilang nasuspindeng byahe sa Mimaropa dahil sa masamang panahon, balik operasyon na


Halaw sa Sitrep No. 5 Effects of TY LUIS ng Mimaropa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.




15 Setyembre 2014

BUMALIK na sa operasyon ang ilang mga byahe sa Mimaropa na sinuspinde dahil sa pagtaas ng mga alon sa karagatan at masamang panahon bunga ng habagat at ganun na rin ng Bagyong Luis.

Sa ulat ng Mimaropa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (Mimaropa RDRRMC), balik - operasyon na ang byaheng Puerto Galera  (Oriental Mindoro) papuntang Batangas Port; Banalacan Port (Mogpog, Marinduque) papuntang Dalahican Port (Lucena City) at Poctoy Port (Odiongan, Romblon) papuntang Batangas Port. 

Sa Romblon Port (Romblon, Romblon), nagbiyahe na ang barko ng 2GO samantalang walang pang anunsyo ang Montenegro Lines nang isinulat ang report na ito.

Paliwanag ng Philippine Coast Guard, nasa kamay ng mga shipping line ang pagpadedesisyon kung magbibyahe ang kanilang mga barko kung alanganin ang panahon ngunit walang babalang umiiral sa kanilang mga destinasyon o  panggagaling.

Antimanong suspindido ang mga byahe sa mga pantalan kapag nakataas ang Public Storm Warning Signal No. 1 at kung masama ang panahon sa pantalan o sa distinasyon nito. 

Payo ng Coast Guard sa mga byahero sa Mimaropa, tawagan muna ang mga shipping line na sasakyan at kumpirmahin muna kung magbibiyahe o hindi.

Inaanyayahan ang mambabasa na kumunsulta sa larawan sa itaas o kaya ay tumawag sa Office of Civil Defense - Mimaropa (043-723-4248) hinggil sa mga kalagayan mga pantalan o kaya estado ng mga byahe sa tuwing nagsusungit ang panahon.  (Lyndon Plantilla/ PIA Mimaropa)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento