Martes, Nobyembre 28, 2017

Palawan hosts Mimaropa JJWC's Children's Congress today

The Mimaropa Regional Juvenile Justice Committee and Provincial Social Welfare and Development Office will hold today a Children’s Congress at the VGR Hall Provincial Capitol in Puerto Princesa City, Palawan in observance of the 6th Juvenile Justice Welfare Act Awareness Week . The congress aims to discuss  HIV and AIDS, mental health, drug and alcohol dependency and other issues affecting children.  

Below is the schedule of activities.

29 November 2017


Bilang pakikiisa sa ika-6 na Juvenile Justice Welfare Act Awareness Week, magdaraos ang Mimaropa Regional Juvenile Justice Committee ng Chlidren’s  Congress sa VGR Hall, Palawan Provincial Capitol sa Puerto Princesa City ngayong maghapon. Ang Children’s Congress, sa pakikipagtulungan sa Provincial Social Welfare and Development Act of Palawan, ay isang pagkakataon para mapag-usapan ang mga isyu ng HIV at AIDS, drug dependency, mental health, pagsali sa mga kilusang rebelde at iba pang paksa na may kinalaman sa mga bata. #

Makikita sa ibaba ang schedule of activities.

Ika-29 ng Nobyembre 2017



Biyernes, Nobyembre 24, 2017

DILG-Mimaropa: bilang ng mga nakapasa sa SGLG ngayong 2017, dumami

Dumami ngayong 2017 ang bilang ng mga nakapasa sa Seal of Good Local Governance o SGLG sa Mimaropa. 

Ayon kay DILG Assist. Regional Director Karl Caesar Rimando,  14 na lokal na pamahalaan ang nakapasa noong nakaraang taon at ngayon ay umabot na sa 20. 

Ang mga 2017 SGLG passer na pinararangalan sa mga oras na ito sa Maynila  ay ang Oriental Mindoro; ang mga lungsod ng Puerto Prinsesa at Calapan;  Gloria, Naujan, Pinamalayan, San Teodoro at Socorro sa Oriental Mindoro;  Abra de Ilog, Calintaan, Lubang, Sablayan at San Jose sa Occidental Mindoro; Magdiwang, Odiongan, Romblon at San Andres ng Romblon; Brooke's Point, Narra at Sofronio Espanola ng Palawan.

Ang Brooke's Point ay mayroong Special Distinction dahil sa pagkakapasa sa tatlong magkakasunod na taon sa SGLG.

Bawat isang nakapasang lokal na pamahalaan, nagpakita ng prinsipiyo ng katapatan, kahusayan at integridad sa kanilang paninilbihan sa mga kababayan, ay tatanggap ng ayuda mula sa Performance Challenge Fund para sa kanilang mga development project.

Ang ayuda ay nagkakahalaga sa pagitan ng 2 - 3 milyong piso.#

24 Nobyembre 2017

20 lokal na pamahalaan sa Mimaropa, pasado sa 2017 Seal of Good Local Governance

Pinarangalan ngayon hapon ang 448 na lokal na pamahalaan na nakapasa sa 2017 Seal of Good Local Governance o SGLG sa Maynila.

Dalawampu sa nakapasa ay nagmula sa Mimaropa sa pangunguna ng Brooke's Point, Palawan  na tatlong taon nang nakakapasa sa SGLG.  

Ayon kay DILG Assist.Regional Director  Karl Caesar Rimando, ang SGLG ay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal sa pangangasiwa ng pananalapi, paghahanda sa sakuna, palakasin ang social protection para sa marginalized sector, pagpapasigla ng negosyo at pagpaparami ng trabaho, pananatili ng peace and order sa kumunidad  at pangagalaga sa kalikasan.#  

24 November 2017

Biyernes, Nobyembre 17, 2017

Pre-emptive evacuation, laking tulong sa mga kababayang binabaha

Umabot sa 230 ang bilang ng mga taong inilikas sa Palawan dahil sa Bagyong Tino.

Halos kalahati ng nasabing bilang ay bunga ng pre-emptive evacuation na ipinanawagan kahapon ni  Office of Civil Defense – Mimaropa Regional Director Eugene Cabrera sa mga lokal na pamahalaan na may mga lugar na bahain at posibleng pangyarihan ng landslide.

Ang mga pinagdausan ng pre-emptive evacuation ay sa mga barangay Libertad at Silanga sa bayan ng Taytay at sa Caramay,  bayan ng Roxas.

Samantala, nagkaroon ng isang metro baha sa mga barangay ng Alimanguan, Sto. Nino and Binga sa bayan ng San Vicente.

Limang pung katao mula sa Barangay Alimanguan ang inilkas sa bahay ng kanilang barangay captain samantalang 75 katao mula sa Purok Tres ng nasabing barangay ang lumikas naman sa kani-kanilang mga kamag-anak na mataas ang kinalalagyan ang mga tirahan.

Sa kabilang dako, nasuspinde rin ang klase sa lahat ng level sa Culion samantala ang mga nasa pre-school lamang ang nasuspinde ang klase sa Puerto Princesa City dahil pa rin sa Bagyong Tino.

Isang bahay sa Puerto Princesa City ang ganap na nasira samantala sa dalawang bahay bahagyang napinsala sa bayan ng San Vicente.

Samantala, sa Mansalay, Oriental Mindoro, 99 na katao mula sa Barangay Poblacion ang lumikas sa kanilang barangay hall matapos bumaha sa kanilang lugar.

Napag-alaman na napakalakas ng pag-ulan sa Mansalay kahapon.

Bukod sa Barangay Poblacion, bumaha rin sa mga barangay ng Del Mundo, Teresita, Don Pedro at Manaul

Samantala, magdamag  nagbantay ang mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa ang pagdaan ng Bagyong Tino. 

Nagtulungan mga tanggapan ng Office of Civil Defense-Mimaropa sa mga kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, Science and Technology at Philippine Information Agency kabilang din ang Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Puerto Princesa City at Roxas D-R-R-M-O sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa pagdaanan ng Bagyong Tino at mga nauukol na hakbang na dapat gawin.

Nakaantanbay naman ang mga resource at asset ng Department of Public Works and Highways, Police Regional Office – Mimaropa, Bureau of Fire Protection, Department of Social Welfare and Development Office, Department of Health, Coast Guard District Southern Tagalog at Coast Guard District Palawan kung sakaling kakailanganin

Publiko, pinag-iingat pa rin ng DOST-Pagasa sa pagpalaot sa kanlurang baybayin


Papalayo na ang Bagyong Tino subalit pinag-iingat pa rin ng mga taga-DOST-Pagasa ang mga kababayang nagbabalak pumalaot sa mga kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon hanggang Palawan.

Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong, katamtaman hanggang napakaalon ang mararanasan sa mga nasabing baybayin at ang taas ng pag-aalon ay maaring umabot ng isa hanggang dalawang metro.

Dahil wala nang babala ng bagyo, maaring nang payagan ng Coastguard ang mga kababayan na pumalaot depende sa kondisyon ng karagatan.

Samantala, kahit sandali lang, nakapagdulot ng abala sa byahe ang Bagyong Tino.

Iniulat ng Office of Civil Defense na may 124 pasahero ang naistranded sa Palawan nang masuspinde ang mga biyahe ng Coron-El Nido, Coron-Cuilion, Cuyo-Puerto Princesa at Puerto Princesa – Iloilo kahapon.

Bahagi ito ng patakaran ng Coast Guard tuwing may babala ng bagyo sa kanilang lugar at ng ipinatawag na No-Sail Policy ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa. 


18 Nobyembre 2017

Bagyong Tino, papunta na sa direksyon ng Vietnam


Anumang oras ngayong umaga  inaasahan ng D-O-S-T Pagasa na ang Tropical Depression Tino ay makakalalabas ng Philippine Area of Responsibility patungong Vietnam.

Wala nang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 na ipinairal sa buong Palawan at inaasahang mas magandang panahon sa lalawigan ngayong araw kumpara kahapon.

Tulad ng mga nakaraang ulat ng mga weather specialist ng D-O-S-T Pagasa, mabilis ang pagkilos ni Tino---28 kilometers per hour pa-kanluran-hilagang-kanluran.

Huling namataan ang sentro ng Bagyong Tino kaninang ika-3 ng umaga sa layong 305 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City,

Napatili din ng Bagyong Tino ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na umakyat at bumaba sa pagitan ng 80 hanggang 90 kilometro bawat oras.

Dahil wala nang babala ng bagyo, inaasahang papayagan na ng Coast Guard District Palawan ang mga sasakyang pandagat na makapaglayag.

Gayumpaman, pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga mandaragat  lalo na yung gumagamit na malilit na bangka pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil ang kanlurang babayin ng Hilangang Luzon hanggang sa dako ng Palawan ay magiging katamtaman hanggang napaka-alon.

Ayon kay Gener Quitlong ng DOST-Pagasa, maaring umabot na isa hanggang dalawang metro ang taas ng alon sa mga nasabing bahagi ng karagatan.

Samantala, ang Mimaropa, kasama ang Kabikulan, Cagayan, Aurora at Quezon, ay makakaranas ng maulap na papawirin na  may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. 

18 Nobyembre 2017

Bagyong Tino, tatahakin na ang West Philippine Sea



Inihayag ng DOST-Pagasa na nakarating na ang  Bagyong Tino sa kanlurang baybayin ng Palawan  matapos tumama sa kalupaan sa hilagang bahagi ng lalawigan kaninang ika-5 ng hapon.

Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes, nakataas pa rin Tropical Cyclone Warning Signal No. 1  sa buong Palawan kaya inaasaahang bawal pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat.

"Mapanganib pumalaot sa may seaboards (baybayin) ng Palawan,"sabi ni Reyes.

Ang dahilan ay magkakaranas ang buong Palawan ng kalat-kalat na katamtaman hanggang sa napakalakas na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

Ito rin ang batayan kaya pinapayuhan din ng mga awtoridad ang mga kababayan sa Palawan na maging alerto sa mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulubunduking lugar.

Namataan ng DOST-Pagasa ang mata ng bagyo kaninang ika-7 ng gabi sa layong 40 kilometro Hilagang Kanluran ng Puerto Princesa city taglay ang malakas na hanging aabot sa 55 kilometro bawat malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 90 kilometro bawat oras. 

Makikita sa video grab si Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyesna ipinapakita ang direksyon ng Bagyong Tino

Kung hindi magbabago ang bilis ng bagyo, 28 kilometro bawat oras pa-kanluran-hilagang-kanlurang direksyon, sinabi ni Reyes na maaring makalabas ang Bagyong Tino ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.

Samantala, makakaranas naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Mindoro, Marinduque, Romblon, Kabikulan at kabisayaan.#

17 Nobyembre 2017

Huwebes, Nobyembre 9, 2017

Mga lalawigan sa Mimaropa, pinaghahandaan ang pagdaan ng Bagyong Salome


Pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Marinduque para sa pagdaan ng Bagyong Salome. (Larawan ni ni  Erwin Monroyo Penafiel)
Dahil sa possibleng epekto ng pagdaan ng bagyong Salome, pinayuhan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council –Mimaropa ang mga lokal na pamahalaan ng Mindoro, Marinduque at Romblon sa pamamagitan ng kani-kanilang mga disaster risk reduction and management office na magpatupad ng mga pre-emptive evacuation sa mga lugar na binabaha at posibleng pangyarihan ng landslide.

Ayon kay Office of Civil Defense Mimaropa Regional Director Eugene Cabrera, ang chairperson ng RDRRMC-Mimaropa,  hiniling din sa mga lokal na pamahalaan na pagbawalan pumalaot ang mga kababayang nangingisda at nagmamay-ari ng mga pribadong seacraft habang mayroong babala ng bagyo.

Mula sa OCD-Mimaropa

Ngayong nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa dalawang  Mindoro, Marinduque at Palawan,  maraming biyahe sa Batangas papuntang Mindoro at Romblon at pabalik ang suspindido.
Gayundin sa Dalahican papuntang Marinduque at pabalik.

Sa kanilang ulat kaninang ika-1 ng hapon, iniulat ng OCD-Mimaropa na mayroong 247 na pasahero ang nananatilil sa mga pantalang nasasakupan ng Coast Guard Station (CGS) Oriental Mindoro (168), CGS Occidental Mindoro (65) at CGS Southern  Quezon (14).

Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Romblon, Romblon ang unang nagpalabas ng memorandum na pagbabawal ng pangingisda at pagpalaot dahil sa Bagyong Salome.

Noong maitaas ang Signal Number 1, halos magkasunod ang Oriental Mindoro at Marinduque sa pagsuspinde ng klase mula pre-school hanggang high school.

Sa Occidental Mindoro, ang Mamburao ang nagsuspendi ng klase sa lahat ng level samantalang tanging mga nasa pre-school lamang ang walang pasok sa mga bayan ng Sablayan at San Jose.

Nakaantabay naman ang mga resource at asset ng mga regional office ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways, Police Regional Office–Mimaropa, Bureau of Fire Protection, Coast Guard District Southern Tagalog at Coast Guard District Palawan.

Magkatulong naman ang Department of Science and Technology-Mimaropa  at Office of Civil Defense-Mimaropa sa pagpapakalat ng mga update ng Bagyong Salome at  iba pang abiso sa mga DRRM office.


Ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Oriental Mindoro at Marinduque, gayundin ang mga MDRRMC din ng Buenavista at Sta. Cruz ng Marinduque,  ay nagpulong na rin para talakayin ang mga hakbang bago at habang dumadaan ang Bagyong Salome. #

Ika-9 ng Nobyembre 2017

Bagyong Salome, magdamag pauulanan ang Batangas, Marinduque at Mindoro


Makikita sa video grab mula sa ika-8 ng gabi update ng DOST-Pagasa si Weather Specialist Nikon Penaranda na itinuturo ng mga lugar na posibleng maapektuhan ng Bagyong Salome. 

Pinaiiral na ang  Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Bulacan,  Pampanga, Katimugan Zambales at Bataan.

“Malapit na kasi itong bagyo (Bagyong Salome), kaya nasama na rin yung mga lalawigan sa Central Luzon,”’ ayon kay Pagasa Weather Specialist Nikos Penaranda sa kanyang update kaninang ika-8 ng gabi.

Kaninang ika-pito ng gabi, naiulat ng DOST-Pagasa na ang mata ng bagyong Salome ay nakaraan ng San Juan, Batangas .

“Dumaan (ang bagyo) sa dako ng Lamon Bay, silangan ng Lucena at kasalukuyang binabaybay ang Batangas,”sabi ni Penaranda.

Mahalagang maunawaan ng publiko ang mga distansya ng babalang inilalabas ng DOST-Pagasa para makita na laging may pagkakataon para makapaghanda.


Bukod sa mga nabanggit na lalawigan sa Central Luzon, kasama pa rin sa Signal No. 1 ang Sorsogon, Masbate kasama ang mga isla ng Ticao at Burias, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Metro Manila, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Albay.

Napanatili ng Bagyong Salome, ayon kay Penaranda, ang lakas ng hangin sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 90 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Penaranda na nagsisimula nang maramdaman ang pagbayo ng hangin at pagbugso ng ulan sa Metro Manila at karatig na katimugan Luzon ngayong gabi hanggang madaling araw.

“Para sa Southern Luzon…itong Batangas, Marinduque at Mindoro..doon po ang pinakamalalakas na hangin at pinakalalakas na ulan ng bagyo,” ani Penaranda.

Nakikita ng DOST –Pagasa na mabilis ang pagkilos ng  bagyong Salome: kanluran-hilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

“Kaya naman mabilis naman itong (Bagyong Salome)inaasahang lumabas ng kalupaan ng Luzon at bukas ng umaga ay nasa West Philippine Sea na,”sabi pa ni Penaranda.

Paalala ni Penaranda sa mga taga-Calabarzon, pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil ang kanilang mga lugar ay maaring maapektuhan ng mga malakas na ulan at hangin ng bagyong Salome habang binabaybay nito ang dako ng Batangas at Cavite. #
Ika-9 ng Nobyembre, 2017

Para sa pinakahuling pagtaya ng Bagyong Salome, tinangnan ang DOST-Pagasa website o DOST_pagasa FB account (for the latest forecast on Tropical Depression Salome, check out the DOST-Pagasa website or DOST_pagasa FB account)

Miyerkules, Nobyembre 8, 2017

PIA Director-General calls on public to support relief ops in Marawi

The Director General of the Philippine Information Agency (PIA) is calling on the public to support the relief operations for Marawi spearheaded by the Task Force Bangon Marawi in Iligan City.

" As a result of the conflict in Marawi City, our fellow countrymen have experienced displacement and disruption in their normal flow of life while many families are still internally displaced,"said PIA Director-General Harold E. Clavite.

DG Clavite said the public can send toys, clothing, diapers, mats, shoes, hygiene kits, school supplies, school bag, and other personal items.

"If you wish to contribute cash, the Iligan Communications Command (ICC) Center may be requested to organize and purchase above items  in Iligan on your behalf. In such cases, the ICC Center will ensure proper accounting,"added DG Clavite.

For further coordination, the public is encouraged to call Mr. Demet Ragua of PIA/ICC through 0998-9987135 or send mail at demetrio.ragua@pia.gov.ph #

9 November 2017