Miyerkules, Setyembre 12, 2018

Saklaw ng babala ng bagyo, posibleng palawakin mamaya ng DOST-Pagasa





BABALA NG BAGYO. Itinuturo ni Sheilla Reyes ng DOST-Pagasa ang dalawang lalawigan sa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 dahil sa Bagyong Ompong. (Larawan hango sa Press Briefing ng DOST-Pagasa)


Pinagbabawalan ng mga awtoridad ang mga mangangisda at iba pang operator ng mga maliliit na banca na pumalaot ngayon sa mga lugar kung saan nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1.

Kaugnay ito sa pagdaan ng Bagyong Ompong sa Philippine Sea.

Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes, ang mga lugar na sa ilalim ng TCWS No. 1 ay maaring makaranas ng pag-ulan na may pagbugso ng hangin (30-60 kilometro bawat oras).
Sa ngayon, ang mga nasa ilalim ng TCWS No. 1 ay ang Cantanduanes at Camarines Sur pa lang.
Subalit, sinabi ni Reyes na maaring makasama sa TCWS No. 1 ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Polillo Islands, Camarines Norte at Albay.

Posibleng ding lumakas ang Bagyong Ompong ngayon araw.

“Ïnaasahan pa rin ma-reach (ng Bagyong Ompong) ang peak intensity sa 220 kilometers per hour ang maximum sustained winds at 270 kilometers per hour ang gustiness,”sabi ni Reyes.

Dapat iwasan din ng mga mangingisda at operator ng maliliit na bangka ang mga silangan baybayin ng  Samar, Leyte, Southern Leyte, Surigao, Davao Oriental, Dinagat Island at Siargao kung saan ang mga karagatan ay magiging maalon hanggang sa napakaalon na may taas na halos tatlo hanggang apat at kalahating metro.

Ang puwersa ng hangin sa mga nasabing baybayin ay tatakbo sa pagitan ng 41 – 64 kilometro bawat oras at makakaranas ng mauulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Pinapayuhan ang publiko na mag-monitor sa pagtaya ng panahon ng DOST-Pagasa. #



DPWH: waiting for Typhoon Ompong

















Ompong’s path. Weather Specialist Sheilla Reyes of DOST-Pagasa looks at the forecasted track of Typhoon Ompong. (photo is from DOST-Pagasa’s Press Briefing Typhoon Ompong) 

Like most agencies at the National Disaster Risk Reduction and
Management Council, the Department of Public Works and Highways made preparations ahead of Typhoon Ompong (known internationally as Mangkhut).

While the typhoon is crossing into the Philippine Sea, DPWH has instructed its regional and district engineering offices to ensure the safety and the integrity of public infrastructures including bridges and buildings.

On its first Executive Summary today (Midnight), DPWH has reported the prepositioning öf “assets (heavy equipment, manpower and all logistical needs) on strategic locations that are safe but near disaster-prone areas.”

The Department said that all regional and district disaster risk reduction teams were activated and equipped with the necessary safety gear as well as prepared their communication networks and facilities.

DOST Pagasa reported Typhoon Ompong having a 900-kilometer diameter and forecasted today to gain maximum winds around 220 kilometers per hour and gustiness up to 270 kilometers per hour.
The state weather bureau raised Tropical Cyclone Warning Signal 1 over Catanduanes and Camarines Sur yesterday but there is possibility that Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Polillo Islands and Albay may added today. (LP/DPWH)


DPWH: Nagbabantay sa pagkilos ng Bagyong Ompong




Ompong at Habagat. Ipinakikita ni DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes sa satellite image ang pagdami ng kaulapan sa Palawan at sa Kamindanawan dahil sa paghatak ng Bagyong Ompong sa habagat. (Larawan hinango sa Press Briefing: Typhoon Ompong ng DOST-Pagasa)


Tulad ng iba pang sangay ng pamahalaan na kasama sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagmamatyag din ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bawat paggalaw ng Bagyong Ompong habang binabagtas ang Philippine Sea.

Sa kanilang update nitong hatinggabi, iniulat ng DPWH na walang pang kalsadang naisasara dahil sa Bagyong Ompong.

Huling namataan ng DOST-Pagasa ang Bagyong Ompong dakong ika-10 kagabi sa layong 1,005 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ni Ompong ang lakas ng hangin sa 205 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot hanggang 255 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro bawat pa-kanluran-hilagang-kanluran.

Bagamat Sabado ng umaga pa tinataya ng DOST-Pagasa na tatami si Ompong sa dulong Hilaga ng Cagayan, maagang pinaghanda ng DPWH ang lahat ng kanilang tanggapan (mga Regional Office at District Engineering Office) para makatugon sa mga  pinsalang maaring maidulot ng bagyo.

Bahagi ng hakbang na ginawa ng DPWH ay ang pag-iispeksyon at pagbabantay sa mga pampublikong imprastraktura gaya mga tulay at ng mga mataas na gusali.

Nagposisyon na rin ng mga kasangkapan at makinarya ang mga tanggapan ng DPWH malapit sa mga lugar na posibleng pangyarihan ng sakuna o disaster prone.

Alertado na rin ang lahat ng mga Disaster Risk Reduction Management Team sa rehiyonal at mga distrito ng DPWH taglay ang mga kanilang mga kasangkapan o kaukulang safety gears.

Tiniyak din ng DPWH na umaandar ang kanilang network at mga pasilidad pang-kumunikasyon sa sandaling kailanganin. #

Linggo, Setyembre 9, 2018

SPECIAL REGISTRATION FOR THE BANGSAMORO PLEBISCITE SET ON SEPTEMBER 11 TO 13, 2018

The Commission on Elections will be conducting special satellite registrations in the Plebiscite areas on September 11-13, 2018 for the Bangsamoro Organic Law (BOL) Plebiscite.

For purposes of the ratification of Republic Act 11054, also known as the BOL, the entire province of Lanao del Norte (except Iligan City) and all barangays of the six municipalities in the province of North Cotabato will participate in the conduct of the plebiscite, which is scheduled on January 21, 2019.

Nine Special Registration Teams (SRTs) from the COMELEC Main Office in Manila will conduct the special satellite registrations in sixteen venues in the provinces of Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Norte and North Cotabato; in Cotabato City, Maguindanao; and in Isabela City, Basilan.

The three-day registration activity to be facilitated by the SRTs is meant to augment the existing workforce and satellite registration conducted by the Offices of the Election Officer (OEOs) in the areas covered by the BOL Plebiscite.

Qualified applicants in these areas may file their applications for registration before the SRT assigned at the designated satellite registration venue.

However, voters who are already registered as of the May 14, 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections and in the ongoing voter registration for the May 13, 2019 National and Local Elections need not register anew.

Applications for registration, transfer/transfer of registration records with reactivation, reactivation, change/correction of entries and inclusion/reinstatement of records in the list of voters will be accepted.

Marawi City, Lanao del Sur is not included in the special satellite registration due to the conduct of the Barangay and SK Elections on September 22, 2018 in the city.




EID COMELEC
525 9294/525 9301 (TeleFax)

Biyernes, Setyembre 7, 2018

DOST-Pagasa: LPA at Habagat, magpapaulan pa rin sa Luzon at Western Visayas



Tambalang LPA at Habagat.  Ipinapaliwanag ni DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong na magpapatuloy ang pagpapaulan ng LPA at ng Habagat sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Kabisayaan. (hinango ang larawan sa Weather Update ng DOST-Pagasa)

Tinataya ng DOST-Pagasa na magpapaulan pa rin sa Luzon at sa ilang bahagi ng Kabisayaan ang Low Pressure Area (LPA) ngayong weekend hanggang Martes.

Mula sa Rosales, Pangasinan, ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong,  didiretso ang LPA sa Region 2 partikular sa dako ng Tuguegarao ngayong Sabado.

Pagsapit ng Linggo, pupunta naman sa dako ng Bashi, Balintang Channel sa Batanes.

Inaasahan ng DOST-Pagasa na nasa pagitan ng Taiwan at Batanes ang LPA pagsapit ng Lunes at doon ito posibleng lumakas hanggang maging ganap na bagyo.

Pag naging bagyo ang LPA habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), tatawagin itong Neneng.

Martes naman inaasahang lalabas ng PAR ang LPA patungong Hongkong.

Dahil na rito sa LPA, sinabi ni Quitlong na pag-iibayuhin nito ang Habagat na siyang magpapaulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at ng kabisayaan.

Kabilang sa mga makakaranas ng maulap na papawiran na may kalat-kalat  na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ay ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region,  Cagayan Valley Region, at Central Luzon, Palawan, Mindoro provinces at Western Visayas.

Ayon sa DOST Pagasa, maaring maranasan ng mga nasabing lugar ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Gaya ng dati, pinapayuhan ng DOST-Pagasa at ng National Disaster Risk Reduction and Management ang mga kababayan ng ibayong paghahanda at pagkikipag-ugnayan sa kanilang local government unit.

Binanggit din ni Quitlong ang posibilidad na pagpasok ng isang pang LPA mula sa silangang bahagi ng Dagat Pasipiko sa darating na Miyerkules.

Kung lalakas at magiging bagyo pagtawid ng ikalawang LPA sa PAR, tatawagin itong Ompong.
Magpapatuloy sa pagbabantay ang DOST-Pagasa at NDRRMC sa pagkilos at epekto ng dalawang LPA at Habagat.#




Huwebes, Setyembre 6, 2018

LPA, Habagat, magpapaulan sa Mimaropa



Ipinapakita ni DOST-Pagasa Weather Specialist Samuel Duran ang lokasyon ng bagong LPA at ng Habagat (Southwest Monsoon) sa mapa. Ang dalawang weather system ang magpapaulan sa Mimaropa at mga karatig-rehiyon. (Halaw sa Weather Update ng DOST-Pagasa ang larawan)


Itinaas ng  Visayas Pagasa Regional Service Division ang Orange Warning Level  sa katimugan Palawan partikular sa mga bayan ng Quezon, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point, Sofronio Espanola at Narra.

Kapag naitaas ang Orange Warning Level sa isang lugar, ayon sa DOST-Pagasa, dapat paghandaan ng mga kababayan ang malakas na pagbuhos ng ulan na maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga dalisdis o kaya sa mga bulubundukin.

Kabilang sa ihahanda ay ang emergency kit, go bag o kaya ay emergency balde na dadalhin kung sakaling kakailanganing lumikas.

Ang babalang Orange Warning Level ay batay sa pagbasa ng DOST Pagasa sa radar at iba pang datos pang-metrologikal.

Sa weder forkast ng DOST-Pagasa nitong Huwebes ng hapon, kinumpirma ni Weather Specialist Samuel Duran na maapektuhan ng  bagong  Low Pressure Area (LPA) ang lagay ng panahon sa Palawan at sa Mindoro.

Dahil sa LPA, ang Palawan at Mindoro ay inaasahang makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Huling namataan  ng DOST-Pagasa ang LPA kaninang ika-3 ng hapon sa layong 130 kilometro kanluran ng Calapan City.

Ang nalalabing bahagi ng Minaropa, Metro Manila, Gitnang Luzon, Katimugan Luzon, Kabikulan at Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot naman ng Habagat.

Pinag-iingat pa rin ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar dahil posibleng madulot din ng  pagbaha at pagguho ng lupa ang ulang hatid ng habagat.

Hinihikayat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan na makipag-ugnayan palagi sa kani-kanilang disaster risk reduction and management office para sa mga  hakbangin na makakaiwas sa pagkamatay o kaya pagkasira ng mga ari-arian. #