Papalayo na ang Bagyong Glenda, hindi
pa rin mairerekumendang magbiyahe sa karagatan papunta sa alinmang
lalawigan ng Mimaropa.
Sa ika-walong Sitrep ng Office of Civil
Defense-Mimaropa, sinuspinde na rin ng mga pantalan ng Puerto Princesa, Cuyo
at Coron ang kanilang mga operasyon gaya ng iba pang mga port sa
ibang probinsya noong makalawa para maiwasan ang disgrasya sa pagdaan
ng bagyong Glenda.
Matatandang nakasama ang Marinduque sa
mga lalawigan isinalalim sa Public Storm Warning Signal (PSWS) No. 3
ang mga hilagang bahagi ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro
kasama ang Lubang Island at Marinduque bago pa humapas sa lupa ang
bagyo.
Ang Romblon at mga nalalabing bahagi ng
dalawang Mindoro ay nalagay sa Signal No. 2.
Umabot na sa 624 ang bilang ng mga
na-istranded na mga pasahero at karamihan sa kanila ay nasa Calapan
Port.
Nakikipag-ugnayan ang OCD-Mimaropa sa
mga lokal na pamahalaan, Coast Guard District at Philippine Ports
Authority para maalalayan ang mga naistranded na pasahero sa Calapan
at sa iba pang mga pantalan.
Pitong-put-walong rolling cargo,
karamihan nasa Calapan port at sa Abra de Ilog port ang na-istranded
din.
May 11 sea vessel, kasama ang apat na
motor banca sa Coron Port, nakahimpil sa mga pantalan ng Banalacan
Port sa Mogpog, Marinduque (5), Poctoy Port ng Odiongan, Romblon (1)
at Cuyo Port (1).
Sa Marinduque, pwede nang madaanan ang
mga national highway na Torrijos-Buenavista at Torrijos Santa Cruz
matapos pagtulungan linisin ng Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Office at ng Torrijos Engineering Department.
Inaalam pa ng OCD-Mimaropa kung
madadaanan na ang mga spillway ng Anahawin at Villabeck sa Calintaan,
Occidental Mindoro matapos mapaulat na binaha kaninang umaga.
PIA Mimaropa BROADCAST NEWS
LYNDON PLANTILLA, 0939-2974857 and
02-9203922
16 July 2014