Biyernes, Nobyembre 28, 2014

Pagasa-DOST sa mga taga-Palawan: iwas-dagat muna habang papalayo si Queenie



                      Ang larawan na ito ay mula sa Pagasa-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 28 (PIA)---Papalayo na ang Bagyong Queenie pero pinapayuhan pa rin ng Pagasa-DOST ang mga kababayan sa kanluran baybayin ng Palawan na huwag munang pumalaot .
Dahil dito, inalis na ang babala ng bagyo na pinairal sa Palawan.

Habang dumadaan ang bagyo nitong Huwebes, dalawang katao ang nailigtas ng mga tauhan ng Bantay Dumaran at Pulisya sa karagatang bahagi ng Dumaran.

Pinataob ng malalakas na hangin at malalaking alon ang bangkang sinakyan nina Ronilo Bacay at Jayson Tayo kahapon.

Ang dalawa ay naihatid na sa barangay Poblacion.

Mahigit sa limangpung katao kabilang ang may dalawamput-dalawang elementary student ang sinundo ng 117 Rescue Team at ng Kilos Agad Action Center  matapos ma-istranded sa Sitio Magarwak, Barangay Bacungan sa Puerto Princesa City.

Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office-Puerto Princesa City,  nagsasagawa ng field trip ang mga biktima sa lugar nang abutan ng malakas na ulan.

Umabot sa 343 na mga kabahayan ang napinsala ng Bagyong Queenie; lima sa nasabing bilang ay ganap na nasira at matatagpuan sa bayan ng Linapacan.

Ang pang-anim na ganap na nawasak na bahay ay nasa bayan ng Roxas.

Ang karamihan ng mga bahagyang napinsalang bahay ( umabot sa 287) ay matatapuan sa bayan ng Araceli.

Labing dalawang bangka sa bayan ng Linapacan ang naiulat na nasira.

Hanggang baywang naman ang baha sa mga barangay ng Talog, Cataban at Poblacion sa bayan ng Taytay.

Pero sa ulat ng Office of Civil Defence - Mimaropa, bumababa na ang baha sa mga nabanggit na barangay. (LP)

Ilang mga residente sa mga baybaying barangay sa Palawan, pinalikas bago bumagyo


Ang larawan ay mula sa PAGASA-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 28, (PIA) - Maaang pinalikas ng mga awtoridad ang mga residenteng ng ilang coastal barangay sa Palawan para makaiwas agad sa disgrasya sa Bagyong Queenie.

Sa ulat ng Office of Civil Defense - Mimaropa (Sitrep No. 6)- umabot sa 2, 137 katao ang nailipat sa evacuation center.

Karamihan ng mga evacuees ay mula sa mga bayan ng Culion (mga barangay ng Osmena at Jardin), Taytay (mga barangay ng Poblacion, Biton at Pamantolon), Araceli at Linapacan (mga barangay ng Calibangbangan at San Miguel).

Ang mga  bulto ng evacuees ay mula sa Barangay Poblacion ng Taytay, sumunod ang Barangay Calibangbangan ng Linapacan at panghuli ay ang bayan ng Araceli.

May ilang mga evacuees sa Araceli, mga 140 katao, tumutuloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak sa halip na sa evacuation centers.

Ang maagang paglilikas ay karaniwang hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan gaya ng Albay para maiwasan mapinsala ang mga mamamayan sa bagyo. (LP)

Miyerkules, Nobyembre 26, 2014

RDRRMC ng Mimaropa, pinaghahandaan si TD Queenie

Ang larawang ito ay mula sa PAGASA-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 27 (PIA) --- Hindi pa nakakarating sa Mimaropa ang Tropical Depression Queenie pero  pinaghahanda ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan sa rehiyon  lalo na yung mga taga Palawan na maghanda na.

Nakataas ang Public Storm Signal Number 1 sa Calamian Group of islands, Cuyo Islands at sa nalalabing bahagi ng Palawan.  

Pinasabihan na ang mga may-ari ng mga malalaking at maliliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban muna ang paglaot habang hindi nakakalagpas ang TD Queenie.

Tulad ng dati, nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense (Mimaropa) sa lahat ng response organizations para paghandaan ang parating na tropical depression.

Alertado na rin ang mga field office ng Department of the Interior and Local Government.
Naka-antabay na rin ang mga Social Welfare and Development teams sa buong rehiyon at maging ang kanilang quick reaction teams.

Ayon pa sa Department of Social Welfare and Development - Mimaropa, nakaposisyon na ang kanilang mga relief goods sa mga malalayong island barangays.

Mayroong 18,766 family food pack ngayong ang DSWD-Mimaropa.

Nasa Code White ang status ng Deparment of Health - Mimaropa na patuloy ang pagmamatyag sa kanilang mga tanggapan sa iba't ibang lalawigan.

Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Provincial Regional Office ng PNP-Mimaropa kabilang na rito ang kanilang search and rescue team.

Nakakalat naman sa iba't ibang district office ang mga asset ng Department of Public Works and Highways gaya ng heavy equipment para makatulong sa clearing operation.

Gaya ng OCD-Mimaropa, wala tigil ang Coast Guard District Southern Tagalog  ng mga weather bulletins sa kani-kanilang substations sa bawat probinsya.

Naka-stand by naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung kakailangan sa mga mga rescue operations: mayroon silang mga emergency medical units bukod sa mga fire-fighting equipments at personnel.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na mayroon silang mga planting materials na pwedeng ipamalit sa mga pananim na posibleng masira kapag naminsala ang TD Queenie.

Bagamat wala sa ilalim ng public storm signal number 1, naghanda na rin ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management office ng Romblon at Oriental Mindoro  sa pagdating ng TD Queenie na may pito hanggang labinglimang millimetrong ulan sa loob ng kanyang tatlong daang kilometrong diyametro na maaring maging dahilan ng pagguho ng lupa o kaya ay biglaang pagbaha sa mga mabababang at bulubunduking lugar.

At panghuli, ang PIA-Mimaropa naman ang tumutulong sa pagpapakalat ng impormasyon sa mga hakbang na ginagawa ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa OCD-Mimaropa sa (042) 723-4248 o kaya sa ocd4_mimaropa@yahoo.com. (Lyndon Plantilla)

Palawan, binabantayan ang pagkilos ng TD Queenie


                                                     Ang larawan rito ay mula sa PAGASA-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 27 (PIA) --- Pinag-iingat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayang taga-Palawan partikular na yung mga naninirahan sa Hilagang Bahagi sa pagdaan ng Tropical Depression Queenie.

Kaninang alas diyes ng  umaga, namataan ng PAGASA ang TD Queenie sa layong 120 hilangang kanluran ng Dumaguete City.

Bagamat patawid pa lang ngayon sa Sulu Sea, mamayang gabi ay magpaparamdam sa Palawan si  TD Queenie  na may lakas na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Inaasahang tatahakin ng TD Queenine ang pakanlurang direksyon sa bilis na 24 kilometro bawat oras.

Kaya naman nakataas ang Public Storm Signal Number 1 ngayon sa Palawan, Calamian Group of Islands at pati sa isla ng Cuyo.

Tinataya ng Pagasa na may magbubuhos ng pito hanggang labing limang milimetrong ulan ang TD Queenie sa loob ng kanyang 300 kilometrong diyametro.

Walang tigil sa kapapa-alala ang mga awtoridad sa mga kababayang naninirahan sa mga mabababa at bulubunduking lugar sa Palawan na nasa ilalim ng Public Storm Signal Number 1 at maging sa mga katulad na lugar sa Romblon at sa dalawang lalawigan ng Mindoro na mag-ingat at maghanda sa biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Iniulat ng  Office of Civil Defense-Mimaropa (sa kanilang Sitrep No. 2),  na suspindido na ang port operations ng rutang Puerto Princesa-Cuyo-Iloilo at rutang Coron-Palawan-Manila.

Pinayuhan naman ng Coast Guard District - Palawan ang mga operator ng  malalaki at maliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban muna ang mga biyahe habang papalapit ang TD Queenie.

Iniulat naman ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na naka-alerto na kanilang operation center,  mga Disaster Risk Reduction and Management Offices sa iba't-ibang bayan, pati mga response group sa lalawigan kabilang na rito ang Palawan 165.

Para sa karagdagang detalye, tumawag sa OCD-Mimaropa sa (042) 723-4248 o kaya sumulat sa ocd4_mimaropa@yahoo.com.

Marinduque gets PHL's first telemedicine system

QUEZON CITY, November 26, (PIA) - The country's first interactive Telemedicine system was launched today at Marinduque.

“This is one big leap for the health care industry because we now have the ability to provide interactive healthcare to patients in far flung areas through a video call using modern technology and telecommunications. Medical examinations can now be done through a live video conversation,” Regional Director Eduardo C. Janairo said during the soft opening of the Telemedicine system at the Marinduque Provincial Hospital.

Governor Camencita O. Reyes was present during the launch.

"A doctor from Manila can virtually hear a patient’s heartbeat from Marinduque. He can even ask you to cough, inhale or exhale and give you an initial analysis of your health condition,” Janairo said.

The Telemedicine system allows a patient to communicate with health care providers live over video in real time for the provision of immediate care.  The patients' video or still images plus additional data needed in the diagnosis will be captured and stored in the system which in turn be sent to physicians.

The World Health Organization defines Telemedicine as 'the delivery of health care services by all health care professionals using information and communication technologies for the exchange of valid information for diagnosis, treatment and prevention of disease and injuries, research and evaluation, and for the continuing education of health care providers, all in the interests of advancing the health of individuals and their communities.'

“We have chosen to set up the system in Marinduque because it is the only province where noble health care is scarce. There are no private hospitals and limited local health professionals. Patients who are Philhealth members seek treatment from hospitals of nearby provinces like Calapan City and Batangas City,” Director Janairo said.

DOH-MIMAROPA provided 10M for the installation of the satellites that will be use by the system. Marinduque, on the other hand, will provide for the wages of the existing health care workers and membership payment to Philhealth for non-member residents also known as the Point-Of-Care Enrollment.

Initially, three hospitals will be linked with each other, namely the Sta. Cruz District Hospital, Torijos Municipal Hospital and the Dr. Damian Reyes Provincial Hospital which will serve as the main hub for the system. Two systems will be utilized for the Rural Health Units (RHU) and Barangay Health Stations (BHS), a Quantum Magnetic Resonance Analyzer (QMRA) and the RxBox device.
The QMRA will be placed at the RHUs and BHS and it will be use to analyze the signals of electromagnetic waves emitted by human bodies. It is done by simply holding a sensor in your palm and health data will be collected within minutes from parts of your various body systems.

The RxBox medical device will function as a blood pressure monitor, pulse oxymeter,
electrocardiogram, fetal heart monitor, and maternal tocometer. This machine can diagnose a patient’s condition and is specifically used to provide maternal and neonatal services. It will also document a patient’s information through the Community Health Information and Tracking System (CHITS).

“Eventually, the Telemedicine system will be expanded to link all the health facilities of the region into one network including rural health units and resorts in MIMAROPA. Marinduque will be the center of the telemedicine system, eventually placing the heart of the Philippines in the world map,” Director Janairo added. (Lyndon Plantilla)

Huwebes, Nobyembre 13, 2014

OCD-Mimaropa: lindol dapat paghandaan ng lahat


LUNGSOD QUEZON¸ Nobyembre 13 (PIA)---Muling makikipagsabayan ang Mimaropa sa iba pang rehiyon na lalahok sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Para sa Mimaropa¸ ang pilot area o pagdarausan ng kick-off rites ng Earthquake Drill ay ang Capitol Compound ng Palawan sa Lungsod Puerto Princesa.

Ayon kay Neri Amparo¸ Senior Civi Defense Officer ng Office of Civil Defense – Mimaropa¸
nilalayon ng earthquake drill ay makasanayan ng mga kababayan ang mga hakbang na dapat gawin kapag lumindol at iba pang kaakibat na pangyayari gaya ng pagbagsak ng mga gusali o kaya ay sunog.

Kabilang na rito ang pagtukoy ng sisilungan kapag lumindol kung saan pwedeng yumuko (duck)¸ magtakip (cover) at panatilihin ang posisyon (hold) habang hindi pa natatapos ang pagyanig.

Bago sumapit ang pagsasanay¸ pinag-uusapan ng mga kalahok ang mga bahagi ng kanilang lugar na maaring maging magdulot ng pinsala at ang mga lusutang ligtas daanan patungo sa lugar na paglilikasan.

Sa paaralan man o sa mga tanggapan ng pamahalaan¸ bawat isang kalahok ay may papel na gaganapan.
Para kay Amparo¸ ang paghahanda sa sakuna ay responsibilidad ng lahat: bawat pamilya ay dapat maghanda.



Dapat din anyang may bagong evacuation kits at medical kits ang mga kababayan para may magagamit sa sandaling lumindol.

Sa gaganapin na earthquake drill sa Kapitolyo¸ ang pagbabatayan ng pagsasanay ay ang lindol na may lakas na magnitude 7.

Magkakaroon ng eksena ng pagguho ng istraktura¸ sunog at pagkakaipit ng may dalawampung katao sa tatlong gusali ng Kapitolyo.

Sa earthquake drill din masusubukan ang bilis na pagresponde ng mga rescue unit ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction and Management Office na magsasanib- puwersa sa pagsasanay.


Umaasa si Amparo na dadalasan din ng mga establisimento at paaralan sa Mimaropa ang pagdaraos ng pagsasanay sa lindol may sabayang earthquake drill man o wala. (Lyndon Plantilla)

Linggo, Nobyembre 2, 2014

Coconut farmers' presscon on Coco Levy Fund

“Coco Levy Fund, Ituwid Na”!  For the past forty years, the millions of small coconut farmers who contributed to the Coco Levy Fund have never benefitted from the Fund.  Coconut farmers from various parts of the country are now about to complete their 71-day march, hoping that the government heeds their call for a Tuwid na Daan resolution of the coco levy issue.  Support is gaining ground from various farmers’ federations nationwide, civil society organizations, and the religious sector.  Will Malacañang finally listen to them?

Tomorrow, Tuesday 4 November marks the 45th Day of the Coco March.  Hopefully, President Benigno Aquino will respond positively to the farmers’ clamor for: 
(1)  an Executive Order that will create the Coconut Farmers Trust Fund to effectively and sustainably manage the use of the P71 billion coco levy fund, and
(2) certify as urgent legislation a bill filed as a People’s Initiative in Congress entitled – “A Proposed Act to Spur Rural Development in the Coconut Sector by Establishing a Coconut Farmers’ Trust Fund.” Kilos Magniniyog said that these proposals will ensure that the 3.5 million coconut farming families in the country will finally benefit from the stolen coco levy fund.

The Philippine Farmers Forum, a loose coalition of like-minded national farmer organizations in the country, extends its full support to the initiative and is sponsoring this press briefing
.
WHAT:
Press Conference on the
Government Response to the Call of the Coco March and Solidarity from Philippine Farmers

WHEN:
Tuesday, November 4, 2014 at 10AM

WHERE:
Coconut House Restaurant, Quezon City Memorial Circle



For more details, please contact:
 RENATO A. LLORIN                                                                  
Coordinator, PhilFAFO
Mobile 09054568227