Miyerkules, Nobyembre 21, 2018
DOST-Pagasa: Palawan tatawirin ni Samuel
Inaantay na lang ng mga taga-Palawan ang pagdating ng bagyong Samuel.
Ayon kay Loriedin De la Cruz, DOST-Pagasa weather specialist, mas kritikal ang Palawan dahil dadaanan ito ng sentro ng bagyo na nakarating na sa Sulu Sea at papunta sa dako ng Cuyo.
Sa press briefing kaninang hapon, iniulat ng DOST-Pagasa na ang katamtaman hanggang napakalakas ang pag-ulan sa Palawan kabilang ang mga isla ng Cuyo at Calamianes, Aurora, Quezon, Mindoro Provinces, isla ng Panay at Guimaras ay maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulubunduking lugar at maging sa mga naninirahan malapit sa mga ilog.
Batay sa lahat ng datos, huling namataan kaninang ika-3 ng hapon ang mata ng bagyong Samuel sa layong 65 kilometro timog-timog-silangan ng Cuyo, Palawan.
Taglay ni Samuel ang pinakamalakas na hangin na 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso nang hanggang 65 kilometro bawat oras.
Sa ngayon, kumikilos ang bagyong Samuel sa direksyon kanluran-timog-kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Una rito, hinakayat ni Office of Civil Defense Mimaropa Regional Director Eugene Cabrera sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na lantad sa panganib.
Kaninang hapon, ipinag-utos ni El Nido, Palawan Mayor Nieves Rosento ang pre-emptive evacuation sa kanilang mga kapitan ng barangay kung kinakailangan at siguruhin ang kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.
Kinansela din ni Rosento ang lahat ng mga inland at island tours ngayong Miyerkules kabilang ang pagbisita sa Nacpan Beach, Duli Beach, Bulalacao Water falls, Nagkalitkalit Waterfalls at Bundok Mansilawit.
Dahil dito, sinuspinde ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Oriental Mindoro tulad ng Pinamalayan at Mansalay ang pasok hanggang elementarya ngayong hapon.
Pero suspindido na ang pasok sa pre-school at kindergarten sa buong Southern Oriental Mindoro at Southern Occidental Mindoro alinsunod sa mga patakaran ng DepED tuwing may bagyo.
Sa Palawan, sinuspinde ang pasok sa lahat ng level ng paaralan sa El Nido, Culion, Agutaya, Dumaran, Magsaysay, San Vicente, Cuyo Island, Cagayancillo at Coron.
Hanggang highschool ang suspindido ang klase sa Araceli, Roxas, Linapacan, Busuanga at Taytay.
Pinairal din ng Puerto Princesa City at ng mga bayan ng Quezon at Balabac ang suspension ng pasok sa pres-school at kindergarten.
Sa Romblon, ang bayan ng Calatrava ang tanging nagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas ng paaralan samantala ang mga bayan ng Romblon at San Agustin ay nagsuspinde ng pasok hanggan sa highschool lamang.
Hanggang elementary naman ang suspension ng klase sa bayan ng Cajidiocan.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1, ay awtomatikong suspendido ang pasok sa kindergarten at pre-school, pampubliko man o pribado, alinsunod sa DepEd Order No. 43 Series of 2012.
Kapag umakyat sa TCWS No. 2 ang babala, suspindido naman ang pasok hanggang elementarya.
Wala na ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan kabilang ang graduate school kung itataas ng DOST-Pagasa ang babala ng bagyo sa Signal No. 3 o higit pa.
Kung walang babala ng bagyo ngunit masama ang lagay ng panahon sa isang lugar, maaaring magdeklara ng suspension ng klase ang lokal na pamahalaan nito.
Bukas, dakong ika-2 ng hapon, tinataya ng DOST-Pagasa ang lokasyon ng bagyong Samuel ay nasa layong 255 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#Palawan,
#ResiliencePH,
#SamuelPH
Martes, Oktubre 16, 2018
Miyerkules, Setyembre 12, 2018
Saklaw ng babala ng bagyo, posibleng palawakin mamaya ng DOST-Pagasa
BABALA NG BAGYO. Itinuturo ni Sheilla Reyes ng DOST-Pagasa ang dalawang lalawigan sa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 dahil sa Bagyong Ompong. (Larawan hango sa Press Briefing ng DOST-Pagasa)
Pinagbabawalan
ng mga awtoridad ang mga mangangisda at iba pang operator ng mga maliliit na
banca na pumalaot ngayon sa mga lugar kung saan nakataas ang Tropical Cyclone
Warning Signal No. 1.
Kaugnay ito sa pagdaan ng Bagyong Ompong sa Philippine Sea.
Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes, ang
mga lugar na sa ilalim ng TCWS No. 1 ay maaring makaranas ng pag-ulan na may
pagbugso ng hangin (30-60 kilometro bawat oras).
Sa ngayon, ang mga nasa ilalim ng TCWS No. 1 ay ang
Cantanduanes at Camarines Sur pa lang.
Subalit, sinabi ni Reyes na maaring makasama sa TCWS No. 1 ang
mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Polillo Islands, Camarines
Norte at Albay.
Posibleng ding lumakas ang Bagyong Ompong ngayon araw.
“Ïnaasahan pa rin ma-reach (ng Bagyong Ompong) ang peak
intensity sa 220 kilometers per hour ang maximum sustained winds at 270
kilometers per hour ang gustiness,”sabi ni Reyes.
Dapat iwasan din ng mga mangingisda at operator ng maliliit
na bangka ang mga silangan baybayin ng Samar, Leyte,
Southern Leyte, Surigao, Davao Oriental, Dinagat Island at Siargao kung saan
ang mga karagatan ay magiging maalon hanggang sa napakaalon na may taas na halos
tatlo hanggang apat at kalahating metro.
Ang puwersa ng hangin sa mga nasabing baybayin ay tatakbo sa
pagitan ng 41 – 64 kilometro bawat oras at makakaranas ng mauulap na papawirin
na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Pinapayuhan ang publiko na mag-monitor sa pagtaya ng panahon
ng DOST-Pagasa. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#OmpongPH,
#ResiliencePH
DPWH: waiting for Typhoon Ompong
Ompong’s path.
Weather Specialist Sheilla Reyes of DOST-Pagasa looks at the forecasted track
of Typhoon Ompong. (photo is from DOST-Pagasa’s Press Briefing Typhoon Ompong)
Like most agencies at the National
Disaster Risk Reduction and
Management Council, the Department of Public Works
and Highways made preparations ahead of Typhoon Ompong (known internationally
as Mangkhut).
While the typhoon is crossing into the Philippine Sea, DPWH has instructed
its regional and district engineering offices to ensure the safety and the
integrity of public infrastructures including bridges and buildings.
On its first
Executive Summary today (Midnight), DPWH has reported the prepositioning öf “assets
(heavy equipment, manpower and all logistical needs) on strategic locations
that are safe but near disaster-prone areas.”
The Department said that all regional and district disaster
risk reduction teams were activated and equipped with the necessary safety gear
as well as prepared their communication networks and facilities.
DOST Pagasa reported Typhoon Ompong having a 900-kilometer
diameter and forecasted today to gain maximum winds around 220 kilometers per hour
and gustiness up to 270 kilometers per hour.
The state weather bureau raised Tropical Cyclone Warning
Signal 1 over Catanduanes and Camarines Sur yesterday but there is possibility that
Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Polillo Islands and Albay may added today. (LP/DPWH)
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#OmpongPH,
#ResiliencePH
DPWH: Nagbabantay sa pagkilos ng Bagyong Ompong
Ompong at Habagat.
Ipinakikita ni DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes sa satellite image ang
pagdami ng kaulapan sa Palawan at sa Kamindanawan dahil sa paghatak ng Bagyong
Ompong sa habagat. (Larawan hinango sa Press Briefing: Typhoon Ompong ng DOST-Pagasa)
Tulad ng iba
pang sangay ng pamahalaan na kasama sa National Disaster Risk Reduction and
Management Council, nagmamatyag din ang Department of Public Works and Highways
(DPWH) sa bawat paggalaw ng Bagyong Ompong habang binabagtas ang Philippine Sea.
Sa kanilang update nitong hatinggabi, iniulat ng DPWH na walang
pang kalsadang naisasara dahil sa Bagyong Ompong.
Huling namataan ng DOST-Pagasa ang Bagyong Ompong dakong
ika-10 kagabi sa layong 1,005 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ni Ompong ang lakas ng hangin sa 205 kilometro bawat
oras at pagbugso na aabot hanggang 255 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro bawat pa-kanluran-hilagang-kanluran.
Bagamat Sabado ng umaga pa tinataya ng DOST-Pagasa na tatami
si Ompong sa dulong Hilaga ng Cagayan, maagang pinaghanda ng DPWH ang lahat ng
kanilang tanggapan (mga Regional Office at District Engineering Office) para makatugon
sa mga pinsalang maaring maidulot ng bagyo.
Bahagi ng hakbang na ginawa ng DPWH ay ang pag-iispeksyon at
pagbabantay sa mga pampublikong imprastraktura gaya mga tulay at ng mga mataas
na gusali.
Nagposisyon na rin ng mga kasangkapan at makinarya ang mga
tanggapan ng DPWH malapit sa mga lugar na posibleng pangyarihan ng sakuna o
disaster prone.
Alertado na rin ang lahat ng mga Disaster Risk Reduction
Management Team sa rehiyonal at mga distrito ng DPWH taglay ang mga kanilang mga
kasangkapan o kaukulang safety gears.
Tiniyak din ng DPWH na umaandar ang kanilang network at mga
pasilidad pang-kumunikasyon sa sandaling kailanganin. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#OmpongPH,
#ResiliencePH
Linggo, Setyembre 9, 2018
SPECIAL REGISTRATION FOR THE BANGSAMORO PLEBISCITE SET ON SEPTEMBER 11 TO 13, 2018
The Commission on Elections will be conducting special satellite registrations in the Plebiscite areas on September 11-13, 2018 for the Bangsamoro Organic Law (BOL) Plebiscite.
For purposes of the ratification of Republic Act 11054, also known as the BOL, the entire province of Lanao del Norte (except Iligan City) and all barangays of the six municipalities in the province of North Cotabato will participate in the conduct of the plebiscite, which is scheduled on January 21, 2019.
Nine Special Registration Teams (SRTs) from the COMELEC Main Office in Manila will conduct the special satellite registrations in sixteen venues in the provinces of Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Norte and North Cotabato; in Cotabato City, Maguindanao; and in Isabela City, Basilan.
The three-day registration activity to be facilitated by the SRTs is meant to augment the existing workforce and satellite registration conducted by the Offices of the Election Officer (OEOs) in the areas covered by the BOL Plebiscite.
Qualified applicants in these areas may file their applications for registration before the SRT assigned at the designated satellite registration venue.
However, voters who are already registered as of the May 14, 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections and in the ongoing voter registration for the May 13, 2019 National and Local Elections need not register anew.
Applications for registration, transfer/transfer of registration records with reactivation, reactivation, change/correction of entries and inclusion/reinstatement of records in the list of voters will be accepted.
Marawi City, Lanao del Sur is not included in the special satellite registration due to the conduct of the Barangay and SK Elections on September 22, 2018 in the city.
EID COMELEC
525 9294/525 9301 (TeleFax)
Biyernes, Setyembre 7, 2018
DOST-Pagasa: LPA at Habagat, magpapaulan pa rin sa Luzon at Western Visayas
Tambalang LPA at Habagat. Ipinapaliwanag ni DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong na magpapatuloy ang pagpapaulan ng LPA at ng Habagat sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Kabisayaan. (hinango ang larawan sa Weather Update ng DOST-Pagasa)
Tinataya ng DOST-Pagasa na magpapaulan pa
rin sa Luzon at sa ilang bahagi ng Kabisayaan ang Low Pressure Area (LPA) ngayong weekend
hanggang Martes.
Mula
sa Rosales, Pangasinan, ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong,
didiretso ang LPA sa Region 2 partikular
sa dako ng Tuguegarao ngayong Sabado.
Pagsapit
ng Linggo, pupunta naman sa dako ng Bashi, Balintang Channel sa Batanes.
Inaasahan
ng DOST-Pagasa na nasa pagitan ng Taiwan at Batanes ang LPA pagsapit ng Lunes at
doon ito posibleng lumakas hanggang maging ganap na bagyo.
Pag
naging bagyo ang LPA habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility
(PAR), tatawagin itong Neneng.
Martes
naman inaasahang lalabas ng PAR ang LPA patungong Hongkong.
Dahil
na rito sa LPA, sinabi ni Quitlong na pag-iibayuhin nito ang Habagat na siyang
magpapaulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at ng kabisayaan.
Kabilang
sa mga makakaranas ng maulap na papawiran na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ay ang Ilocos
Region, Cordillera Administrative Region,
Cagayan Valley Region, at Central Luzon, Palawan, Mindoro provinces at
Western Visayas.
Ayon
sa DOST Pagasa, maaring maranasan ng mga nasabing lugar ang biglaang pagbaha at
pagguho ng lupa.
Gaya
ng dati, pinapayuhan ng DOST-Pagasa at ng National Disaster Risk Reduction and
Management ang mga kababayan ng ibayong paghahanda at pagkikipag-ugnayan sa
kanilang local government unit.
Binanggit
din ni Quitlong ang posibilidad na pagpasok ng isang pang LPA mula sa silangang
bahagi ng Dagat Pasipiko sa darating na Miyerkules.
Magpapatuloy
sa pagbabantay ang DOST-Pagasa at NDRRMC sa pagkilos at epekto ng dalawang LPA
at Habagat.#
Huwebes, Setyembre 6, 2018
LPA, Habagat, magpapaulan sa Mimaropa
Ipinapakita ni DOST-Pagasa Weather Specialist Samuel Duran ang lokasyon ng bagong LPA at ng Habagat (Southwest Monsoon) sa mapa. Ang dalawang weather system ang magpapaulan sa Mimaropa at mga karatig-rehiyon. (Halaw sa Weather Update ng DOST-Pagasa ang larawan)
Itinaas ng Visayas Pagasa Regional Service Division ang
Orange Warning Level sa katimugan
Palawan partikular sa mga bayan ng Quezon, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point,
Sofronio Espanola at Narra.
Kapag
naitaas ang Orange Warning Level sa isang lugar, ayon sa DOST-Pagasa, dapat paghandaan
ng mga kababayan ang malakas na pagbuhos ng ulan na maaring magdulot ng pagbaha
sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga dalisdis o kaya sa mga
bulubundukin.
Kabilang sa ihahanda
ay ang emergency kit, go bag o kaya ay emergency balde na dadalhin kung
sakaling kakailanganing lumikas.
Ang babalang
Orange Warning Level ay batay sa pagbasa ng DOST Pagasa sa radar at iba pang
datos pang-metrologikal.
Sa weder forkast
ng DOST-Pagasa nitong Huwebes ng hapon, kinumpirma ni Weather Specialist Samuel
Duran na maapektuhan ng bagong Low Pressure Area (LPA) ang lagay ng panahon
sa Palawan at sa Mindoro.
Dahil sa
LPA, ang Palawan at Mindoro ay inaasahang makakaranas ng kalat-kalat na
pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Huling
namataan ng DOST-Pagasa ang LPA kaninang
ika-3 ng hapon sa layong 130 kilometro kanluran ng Calapan City.
Ang
nalalabing bahagi ng Minaropa, Metro Manila, Gitnang Luzon, Katimugan Luzon,
Kabikulan at Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may
kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot naman ng Habagat.
Pinag-iingat
pa rin ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar dahil
posibleng madulot din ng pagbaha at
pagguho ng lupa ang ulang hatid ng habagat.
Hinihikayat
naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga
kababayan na makipag-ugnayan palagi sa kani-kanilang disaster risk reduction
and management office para sa mga hakbangin na makakaiwas sa pagkamatay o kaya pagkasira
ng mga ari-arian. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#ResiliencePH,
DOST-Pagasa,
Habagat,
LPA
Miyerkules, Agosto 29, 2018
ALU-TUCP lauds Duterte for pro-women workplace health and safety standards
THE country’s largest workers’ group Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) commended President Rodrigo Duterte for enacting into law the country’s first-ever gender-sensitive workplace health and safety standards.
Duterte signed into law Republic Act 11058 otherwise known as An Act Strenghthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards (OSHS) and Providing Penalties for Violations Thereof.
“We laud Mr. Duterte for mainstreaming the country’s first-ever gender sensitive occupational safety and health standards making the safety and health needs of working women visible and important in the constantly changing world of working conditions. These new OSH standard takes recognition of how working women are very important in building our economy and in building our nation,” said Gerard R. Seno, National Executive Vice President of ALU-TUCP.
In the fifth paragraph of Chapter 1 says: “The State, in protecting the safety and health of the workers, shall promote strict but dynamic, inclusive, and gender-sensitive measures in the formulation and implementation of policies and programs related to occupational safety and health.”
And in section 19 mandates all establishments, projects, sites, and all other places where work is being undertaken shall have the following welfare facilities in order to ensure humane working conditions, that “a separate sanitary, washing and sleeping facilities for men and women workers as may be applicable.”
Seno said Filipino women are at risk of physical and psychological violence in and out of the workplace. Working women particularly those pregnant workers are vulnerable to diverse workplace hazards that affect their health and their reproductive health.
Some of these workplace hazards are chemical, biological, and physical hazards including pesticides, metals, dyes, and solvent, noise and vibration, radiation and infectious diseases. Aside from those, pregnant women workers’ health and safety are also at risk due to heavy lifting, sitting and standing long periods, Seno said.
On his part, ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay said the provisions of RA 11058 was drawn from tragic actual experiences from the series of non-compliance and abuses to workplace safety and health standards that resulted to scores of tragic workers deaths and led to minor and incapacitating injuries, the Act explicitly mandates employers and project owners to provide employees with personal protective equipment, adequate supply of drinking water, adequate sanitary and washing facilities, and suitable living accommodation for workers.
Aside from penalizing employers, contractors and project owners with P100,000 per day of workplace OSHS non-compliance and violation, the Act also orders employers to conduct 8-hour health and safety seminar to employees particularly to new hires. The law also takes employer, project owner, general contractor as joint and solidarily liable for workplace OSHS non-compliance and violation.
The law requires employers to continuously pay the wages and benefits of employees covered by work stoppage order issued by the Department of Labor and Employment (DOLE) due to imminent danger and life-threatening situation in the workplace.
The law also gave workers the right to know about all types of hazards in the workplace and the right to refuse to unsafe work and prohibits employers to all forms of retaliation to workers who report OSHS violation and non-compliance.
The law also calls for improving its labor inspection system and coverage include workers and business owners located inside special economic zones. ###
Reference:
Alan Tanjusay 09158519558
28 August 2018
Biyernes, Agosto 24, 2018
WCO: oportunidad sa trabaho para sa mga TVET Graduates ng TESDA
Nakagraduate ba kayo sa TESDA (o TESDA-accredited training center) ng pagmamason, pagkakarpintero at pagwewelding?
Sinusubukan ng mga trainee ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) course sa Buyabod School of Arts and Trades ng Sta. Cruz, Marinduque ang pagkakabit ng mga kable nitong nakaraang National Assessment Day. (larawan mula sa TESDA-Marinduque)
Mag-aplay ng trabaho sa World Café of Opportunities (WCO) through Jobs
Linkages and Networking Services sa darating na weekend.
Ang WCO ay isang istratehiya ng TESDA (Technical Education and Skills
Development Authority) para pagtagpo-tagpuin ang kanilang mga
Technical-Vocational Education and Training (TVET) graduate at mga kumpanya o
employer na mangangailangan ng kanilang serbisyo.
Idaraos ang WCO ng Mimaropa sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial
Complex ng Oriental Mindoro sa Calapan City sa Sabado (ika-25 ng Agosto,
kasabay ng ika-24 na anibersaryo ng TESDA at National Tech-Voc Day).
Ayon sa TESDA Mimaropa, prioridad ang mga kababayang mayroong may
kinalaman sa konstraksyon o kaya ay may hawak na Masonry NC (National
Certificate) II, Plumbing NCII, Carpentry NCII, SMAW NC II at mga kaalaman at
kasanayan sa trabahong pang-turismo.
Sa mga nalalayuan sa Calapan City, abangan ang pagdaraos ng WCO sa
Simeon Suan Vocational and Technical College (SSVT), Pagasa, bayan ng Bansud sa
Linggo, Ika-26 ng Agosto.
Lalahok sa WCO sa Calapan City ang mga sumusunod na kumpanya: Epson Precision Philippines, CitiMart Mall,
Robinsons Retail Holdings, People Serve Multi-purpose Cooperative, Gaisano
Capital Calapan, Nuciti Central Calapan, EEI Corporation, Sunway International
Manpower Services, Inc., CDK International Manpower Services, Inc., Casa
Ricardo’s Global, Inc,. Jeannie’s Touch Manpower Solution, Inc., Helping Hand
Development Cooperative, Sevicio Filipino Incorporated, First Northern
International Placement, Inc., Channel International Placement Services
Corporation, Hopewell, Overseas Manpower Network, Inc., Eastwest Placement
Center, Inc., Alberto Uy Construction and Development, Lumel Glenn
Construction, Marcbilt Construction, Sixteen Enterprises, Newington Builders
Inc., at STX Enterprises.
Inaasahan din na magsisipunta ang mga nabanggit na kumpanya sa Bansud
pagkagaling ng Calapan City.
Pero hindi lang trabaho ang mai-aalok ng WCO: mayroon ding loan
programs.
May kalahok na mga banko at lending institution sa WCO na pwedeng
pagtanungan ng mga TVET graduates tungkol sa pautang.
Para sa karagdagang detalye tumawag sa (043) – 288-2408.
Para sa mga
taga-Mimaropa na interesado ngunit naninirahan sa ibang rehiyon, mangyaring
tingnan ang pinakamalapit na WCO venue sa mga sumusunod na lugar: Universitity of Baguio, Baguio City (Cordillera
Autonomous Region o CAR), CSI Stadia Lacao, Dagupan City (Region I) ;
Robinson’s Place Santiago City, Isabela (Region II; Robinson Starmills Pampanga
(Region III); at Calabarzon sa SAVEMORE, Sta. Rosa, Laguna (Calabarzon).
Ang WCO sa National Capital Region (NCR) ay Philippine International Convention Center (o PICC sa Pasay City), Pacific Mall, Legaspi City (Bicol Region); Robinson’s Place Pavia, Iloilo (Region VI); IEC Convention Center of Cebu, Cebu City (Region VII); Tacloban City Convention Center, Tacloban City (Region VIII); KCC Mall de Zamboanga (Region IX); Robinson Cagayan de Oro (Region X);Davao Convention and Trade Center, Davao City (Region Xl); Gaisano Grand Mall Koronadal, South Kotabato (Region Xll),; Grand Palace Hotel, Butuan City (Caraga); at) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Compound, Cotabato City. #
Linggo, Hulyo 15, 2018
PHL Navy and RAN kick off 4th MSA today in Palawan
AIR ASSET. A group naval officers pose in front of a helicopter in an undated photo. The Philippine Navy through the Naval Force West of the Western Command and the Royal Australian Navy will hold a Maritime Security Activity starting today until July 25 in Palawan. (Photo from Facebook Account of Navforwest PN).
The 4th Maritime Security Activity between the Philippine Navy – Naval Forces West (Navforwest) and the Royal Australian Navy (RAN) will open today.
Navforwest is the water asset of the Armed Forces of the Philippines- Western Command (Wescom).
Running until July 25 in Palawan, the MSA aims to strengthen the interoperability and coordination of Navforwest and RAN to fight terrorism and kidnapping.
The interoperability training will include Naval Communication System, Planning, Individual shipboarding training, maritime surveillance and search and rescue.
Participating RAN ships---the HMAS Larrakin and HMAS Wollongong--- will dock in Puerto Princesa City Pier at 9 am.
A ship tour is will follow after a simple welcoming rite at the pier during the arrival of the RAN ships.
For Navforwest, the following ships will participate: BRP Simeon Castro (PC 374), BRP Carlos Albert (PC 375)and BRP Fort San Felipe (AGS 700).
The kick-off ceremony will take place at the Naval Station Apolinario Jalandoni Covered Court where Navforwest Deputy Commander Carlos V. Sabarre will be the guest of honor and speaker. #
Maritime Security Activity ng PHL Navy at Royal Australian Navy sa Palawan, mag-uumpisa ngayon
Mandirigma. Makikita sa file photo ang nagmamartsa ang isang grupo ng mga kababaihang Marine ng Naval Forces West (Navforwest) - Philippine Navy sa isang exercise . Magsasagawa ang Philippine Navy (Navforwest) at ang Royal Australian Navy (RAN) ng Maritime Security Activity simula ngayon hanggang ika-25 ng Hulyo. (Larawan mula sa Facebook account ng Navforwest - Philippine Navy)
Nakatakdang magsimula ngayong araw ang ika-4 na Maritime Security Activity sa pagitan ng Philippine Navy -Naval Forces West (Navforwest) at ng Royal Australian Navy (RAN).
Ang Navforwest ang puwersang pang-dagat ng Armed Forces of the Philippiines - Western Command (Wescom).
Magtatagal ang MSA hanggang ika-25 ng Hulyo sa Palawan.
Nilalayon ng sabayang pagsasanay ng Navforwest at RAN na paglakasin ang kanilang inter-operability at koordinasyon kontra terrorismo at kidnapping.
Partikular na tutukan ng pagsasanay ay ang Naval Communication System, Planning, Individual shipboarding training, maritime surveillance at search and rescue.
Darating ang mga sasakyang pandagat ng Australya---ang HMAS Larrakin at HMAS Wollongong--- mamayang ika-9 ng umaga sa Puerto Princesa City Pier.
Magkakaroon ng ship tour sa mga sasakyan pandagat pagkaraan ng isang simpleng sermonya sa pantalan.
Ang mga lalahok na sasakyang pandagat ng Navforwest ay ang BRP Simeon Castro (PC 374), ang BRP Carlos Albert (PC 375)at ang BRP Fort San Felipe (AGS 700).
Gaganapin ang opening ceremony sa Naval Station Apolinario Jalandoni Covered Court kung saan si Navforwest Deputy Commander Carlos V. Sabarre ang panauhing pandangal.#
Huwebes, Hulyo 12, 2018
COMELEC REITERATES DEADLINE ON FILING OF PETITIONS FOR REGISTRATION OF POLITICAL PARTIES FOR NLE 2019
The Commission on Elections today reiterated the forthcoming deadlines on the filing of petitions for registration of political parties and coalition of political parties for purposes of the May 13, 2019 National and Local Elections.
The COMELEC set the last day of the registration of political parties on July 15, 2018 and the registration of coalition of political parties on August 31, 2018, pursuant to Resolution No. 10395.
However, since the deadline falls on a Sunday, submissions of petitions for registration of political parties will be entertained until 5:00 P.M. of July 16, 2018, Monday.
Under Section 61, Article VIII of the Omnibus Election Code, “Any organized group of persons seeking registration as a national or regional political party may file with the Commission a verified petition attaching thereto its constitution and by-laws, platform or program of government and such other relevant information as may be required by the Commission. The Commission shall, after due notice and hearing, resolve the petition within ten days from the date it is submitted for decision.”
Petitions for registration may be submitted before the Clerk of the Commission. Payment of a fee of PHP 10,100.00 will be required.
PRESS RELEASE
Ref: James B. Jimenez
Director IV, Education and Information Department
Commission on Elections
Tel. No.: (+632) 525-9294
Date: July 13, 2018
Miyerkules, Hunyo 20, 2018
Cabacao Nat’l HS, pagdarausan ng 2nd QTR RSED
EVACUATION. Kalmadong naglalakad papunta sa evacuation area ang mga estudyante ng Cabacao National High School ng Barangay Cabacao, Abra De Ilog, Occidental Mindoro habang nagtatakip ng ulo sa ginanap nilang earthquake drill nitong Pebrero. Sa ikalawang larawan makikitang nakaupo't nakapila ang isang grupo ng mga estudyante sa evacuation area. Hindi na kailangan magtakip ng ulo dahil kailangan isang open field o lugar na walang gusali, puno o poste. (Larawan mula sa Punto Mindoro)
Pangungunahan ng
Barangay Cabacao at ng Cabacao National High School ng Abra De Ilog, Occidental
Mindoro ang pagdaraos ng Regional Simultaneous Earthquake Drill ngayong
Miyerkules, mamayang ika-22 ng hapon.
Ito ang kontribusyon ng Mimaropa sa mangyayaring National Simultaneous
Earthquake Drill (NSED) ngayong araw na ito sa pangunguna ng National Disaster
Risk Reduction and Management Council.
Sa napagkasunduang scenario, lilindol nang may lakas na 7.8
Magnitude sa kanlurang bahagi ng bansa kabilang ang Mimaropa kung saan apektado
ang bayan ng Abra De Ilog partikular ang barangay ng Cabacao bandang ika-anim ng
umaga.
Ang scenario ay ang sitwasyong rerespondehan ng barangay, ng
pamunuan ng paaralan at ng mga kalapit na ahensiya at samahan upang masukat ang
kanilang kakayahan sa pagtulong at pagsagip.
Nilalayon din ng scenario na subukan ang mga hakbang o
gagawing aksyon ngmga nasa barangay, paaraalan, kumunidad at iba pang sangay ng
pamahalaan sa sandaling lumindol.
Sa scenario, makakatanggap ang ulat ang Municipal Disaster
Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Abra De Ilog mula sa Barangay
Chairperson.
Sa ulat, naapektuhan ng lindol ang barangay at ang
highschool.
Bilang tugon, ipapadala ng Tanggapan ng Alkalde sa
pamamagitan ng MDRRMO ang mga responders bitbit ang kanilang personal
protective equipment (PPE).
Itatayo ng kinatawan ng DRRM ng highschool ang Incident
Command Post sa paaralan at siya rin ang gaganap na Incident Commander (IC).
Ang IC ang magkakamada ng mga gawain sa responde; siya rin
ang mag-uulat hinggil sa ginagawang responde sa mga nakatataas na opisyal o
responsible authority (karaniwan ang barangay, alkalde o gobernador).
Pagdating ng mga responde, magsisipag-report sila muna sa IC:
ang IC naman ang magbibigay ng briefing hinggil sa sitwasyon sa lugar.
Batay sa paunang ulat ng IC, may 500 katao ang apektado.
Sa mga apektado, may 10 patay, 20 sugatan at may 3 batang
natabunan ng guho.
Pagkatapos ng briefing, magsisikilos na ang mga responder:
ang medical team ay magtatayo ng triage at treatment area samantalang
maghahanap na ang search and rescue team.
Ang mga makukuhang sugatan ay dadalhin sa Triage para
malaman kung alin sa kanila ang higit na nangangailangan ng atensyon .
Bibigyan ng First Aid o Gagamutin naman sa Treatment Area
ang mga nasuri sa Triage.
Yung mga malala ang kondisyon ay ipapadala sa pinakamalapit
na ospital.
Batay sa scenario, sampu ang kailangan ipa-ospital.
Samantala, ang mangangasiwa sa mga mababawing bangkay ay ang
kinatawan o opsiyal ng Department of the Interior and Local Government o kaya
ay Municipal Local Government Operations Officer.
Kung walang pagyanig, pupuntahan naman ng municipal o
barangay RDANA (rapid damage and needs assessment) team para alamin ang
pangangailangan ng mga nakaligtas ng lindol .
Mayroong mga pamilya ang kailangan dalhin sa evacuation area
dahil sa posibleng panganib sa kanilang bahay.
Pagkatapos, lalakad naman ang Municipal Engineer kasama ang
iba pang miyembro ng RDANA para alamin ang katayuan ng mga gusali ng Cabacao
National High School at ng mga kabahayan malapit sa paaralan.
Sa sandaling masuring ligtas ang mga gusali at kabahayan,
saka lang papayagan makabalik doon ang mga survivor.
Pagkatapos ng drill
sa Cabacao, may mga kinatawan ng Office of Civil Defense – Mimaropa at iba pang
mga kinatawan ng mga ahensiyang kasama sa Regional Disaster Risk Reduction and
Management Council ang magbibigay ng kanilang mga obserbasyon para mapabuti pa
ng mga kalahok sa drill ang kalidad ng kanilang pagresponde at pagkilos sa
sandaling mangyari ang isang totoong lindol sa kanilang barangay at paaralan.
EVACUATION AREA. Sa ikalawang larawan makikitang nakaupo't nakapila ang isang grupo ng mga estudyante sa evacuation area. Hindi na kailangan magtakip ng ulo dahil kailangan isang open field o lugar na walang gusali, puno o poste. (Larawan mula sa Punto Mindoro)
Mga etiketa:
#BidaAngHanda,
#EmpoweringCommunities
Linggo, Hunyo 17, 2018
DOST-Pagasa: Kanluran at Hilagang bahagi ng Luzon, apektado pa rin ng Habagat
Maalong Karagatan. Namumula ang bahagi ng kanluran at hilagang Luzon dahil sa nakataas ang gale warning ng DOST Pagasa sa mga nasabing lugar. Pinapayuhan ni DOST Pagasa Weather Specialist Obet Badrina (nasa larawan) ang mga mangingisda at iba pang mandaragat na gamit ang mga maliit na sasakyang pandagat na iwasang muna ang mga baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan group of Islands, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos provinces, La Union at Pangasinan dahil mapanganib ang mga malalaking alon sa lugar. (larawan mula sa DOST Pagasa)
Umaasa ang DOST Pagasa na magiging mas maganda ang panahon sa bansa sa mga darating na araw.
Pero sa ngayon, magtitiis muna ng kaunti ang mga kababayan dahil umiiral pa rin ang Habagat sa bansa.
"Southwest monsoon parin o hanging Habagat ang patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa partikular sa Ilocos Region, kaya asahan pa rin na magiging maulap ang kalangitan sa malaking bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, sa Batanes kasama ang Kamaynilaan, Bataan at Zambales," paliwanag ni Obet Badrina, weather specialist ng DOST-Pagasa.
Posibleng makaranas ang mga nasabing lugar na mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Sa ibang bahagi ng Luzon, Kabisayaan at Kamindanawan, sinabi ni Badrina na inaasahan nilang magiging maaliwalas ang panahon na may pulu-pulung pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Samantala, pinapayuhan ni Badrina ang mga mangingisda at iba pang mandaragat na gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na iwasang munang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan group of Islands, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos provinces, La Union at Pangasinan.
Nakataas sa mga nasabing lugar ang Gale Warning o Babala ng maalong baybayin ng DOST Pagasa.
"Malakas pa rin ang pag-alon ng karagatan dulot pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat," sabi ni Badrina.
Ang taas ng alon ay tinatayang aabot sa pagitan ng kulang-kulang na tatlo hanggang apat at kalahating metro.
Hinikayat din ni Badrina ang iba pang mandaragat na maging maingat sa iba pang baybaying dagat kung saan makakaranas ng katamtaman hanggang maalong karagatan.
DOST-Pagasa: Habagat still affecting western and northern parts of Luzon
Gale warning. Weather Specialist Obet Badrina says sea traveling in the coasts of Batanes, Calayan, Babuyan group of Islands, the northern coast of Cagayan, Ilocos provinces, La Union and Pangasinan remains dangerous to small sea vessels due to the Southwest monsoon. (video grab from DOST Pagasa)
DOST Pagasa is expecting better weather in the coming days.
However, the public must keep watching weather forecasts as the Southwest Monsoon continues to affect the country particularly the western and northern part of Luzon.
Weather Specialist Obet Badrina said Ilocos Region, Cordillera, Bataan, Zambales and Metro Manila will experience cloudy skies with light to moderate rains.
Other parts of Luzon, including the Visayas and Mindanao may have sunny skies with isolated rainshowers and thunderstorms.
Badrina likewise urged fisherfolks and operators of small sea vessels to avoid venturing into the coasts of Batanes, Calayan, Babuyan group of Islands, the northern coast of Cagayan, Ilocos provinces, La Union and Pangasinan.
Gale warning is in effect over these coasts where waves may reach between 2.8 to 4.5 meters high still brought about by the Southwest Monsoon.
NDRRMC: Kanlurang bahagi ng Luzon, maaring maapektuhan ng pagpapaulan ng Habagat
Isang larawan na kinunan ng Sattelite; makikita ang pulang linya na sumasagisag sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na nakapaligid sa Pilipinas. (larawan mula sa DOST-Pagasa)
Nagbabala muli nitong Linggo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa pagpapaulan ng Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, pinapayuhan ng NDRRMC ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga disaster risk reduction and management office para maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bahain at bulubunduking lugar.
Ang mga ulang dala ng Habagat ay mahina, nagiging katamtaman hanggang sa napakalakas bagamat paputol-putol ang pagbuhos.
Makakaranas ang Ilocos Region ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.
Dahil dito, ang mga ilog at sangay na maaring maapektuhan ay ang mga sumusunod:Balincugin at Alaminos (Pangasinan); Lower Abra, Silay-Sta. Maria at Buaya (Ilocos Sur); Amburayan, Bararo, Lower Bauang at Arigay (La Union); Bulu, Banban, Bacarra-Vintar, Laoag at Quiaoit (Ilocos Norte).
Ang Gitnang Luzon naman ay makakaranas naman ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.
Ang maaring maapektuhan na ilog at sangay sa Gitnang Luzon ay ang mga sumusunod: Balanga at Moron (Bataan); at Panatawan, Sto. Tomas, Bucau, Bancul at Lawis (Zambales).
At ang Cordillera Administrative Region (CAR) naman ay makakaranas ng mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang pag-kulog-pagkidlat.
Dahil dito ang mga maaring maapektuhang ilog at sangay sa rehiyon ay ang mga sumusunod: Upper Bauang (Benguet); Upper Abulug (Apayao); Upper Abra, Tineg at Ikmin (Abra); lahat ng ilog at sangay sa Mountain Province.
Biyernes, Hunyo 15, 2018
Ulang dala ng Habagat, maaring makaapekto sa ilang ilog sa Hilaga’t Gitnang Luzon
GALE WARNING NGAYON. Ipinapaliwanag ni G. Quitlong ang mga
baybaying dagat kung saan mataas ang pag-alon dala ng pag-iral ng Habagat. Nakataas ang Gale Warning o babala sa pagtaas ng alon
sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod
na lalawigan: Batanes, Babuyan Group of Islands, Hilaga’t Silangang baybayin ng
Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Isabela, Pangasinan, Zambales at Bataan.(Videograb
mula sa DOST-Pagasa)
Dahil sa mga
pag-ulan dulot ng Habagat (Southwest Monsoon) na inaasahan ng DOST Pagasa sa
ilang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon, nagpalabas ang National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC) ng flood advisory sa mga ilog at mga
sangay nito Sabado ng umaga.
Nilalayon ng flood advisory na hikayatin ang mga kababayang
naninirahan sa mga mababa at bulubunduking lugar na makipag-ugnayan sa kanilang
mga disaster risk reduction and management office (DRRMO) at maghanda sa posibleng biglaang pagbaha at
pagguho ng lupa.
Sa Ilocos Region, ang
mga ilog at sangay na maaring maapektuhan ng katamtaman hanggan sa
manaka-nakang malakas na pagbuhos ng ulan ay ang mga sumusunod:
Balincugin at Alaminos (Pangasinan); Lower Abra, Silay-Sta. Maria at Buaya (Ilocos
Sur); Amburayan, Bararo, Lower Bauang at
Arigay (La Union); Bulu, Banban, Bacarra-Vintar, Laoag at Quiaoit (Ilocos
Norte).
Sa Gitnang Luzon, mararanasan din ang katamtaman hanggang sa
manaka-nakang malakas na pag-ulan sa mga
sumusunod: Balanga at Moron (Bataan); at Panatawan, Sto. Tomas, Bucau, Bancul
at Lawis (Zambales).
At ang Cordillera
Administrative Region (CAR) ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa manaka-nakang
malakas na pagbuhos ng ulan, pagkulog-pagkidlat: Upper Bauang (Benguet); Upper
Abulug (Apayao); Upper Abra, Tineg at Ikmin (Abra); lahat ng ilog at sangay sa
Ifugao, Mountain Province at Kalinga.
Shallow low pressure area, binabantayan ng DOST Pagasa
DALAWANG WEATHER
SYSTEM. Ipinapakita ni Rene Quitlong
ng DOST Pagasa ang shallow low pressure area (gawing kaliwa) at ang Bagyong
Ester (kanan). Hahatakin ng dalawa ang Habagat at magpapaulan sa ilang bahagi
ng bansa. (Videograb mula sa DOST-Pagasa)
Dalawang dahilan
kung bakit kailangan pa ring mag-ingat ang mga kababayan sa Habagat : ang
papalayong Bagyong Ester at ang shallow low pressure area sa katimugan ng
Tsina.
Bagamat parehong nasa labas ng Philippine Area of
Responsibility (PAR), hinahatak ng dalawang weather system ang Habagat na
siyang magpapaulan sa ilang mga bahagi ng bansa, ayon kay Rene Quitlong ng DOST
Pagasa.
“Ang magandang balita,” ayon kay Quitlong, “Hindi nila
nakikitang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang shallow low pressure area bagamat may posibilidad na
maging isang bagyo.”
Kabilang sa mga mauulanan dulot ng Habagat ay ang Ilocos
region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Pampanga, Tarlac, Bataan,
Batanes at Babuyan group of Island.
“Ang Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon,
kasama ang Calabarzon at probinsyang Marinduque province ay naapektuhan ng
Habagat. Ngunit ngayon, mahina hanggang katamtamang pag-ulan,
pagkulog-pagkidlat ang mararanasan,” sabi ni Quitlong.
Samantala, ang Cagayan Valley, ang Kabikulan at ang Palawan
ay makakaranas ngayonng bahagyang maulap hanggang sa maulap na maaring
makaranas ng pulo-pulong pagkulog at pagkidlat.
Dahil naman sa paglakas ng Habagat, sinabi ni Quitlong na
nakataas pa rin ang Gale Warning o babala sa pagtaas ng alon sa mga baybaying
dagat ng mga sumusunod na lalawigan:
Batanes, Babuyan Group of Islands, Hilaga’t Silangang baybayin ng Cagayan,
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Isabela, Pangasinan, Zambales at Bataan.
Uulanin din ang mga nasabing baybaying dagat dala ng
Habagat; ang mga ito ay maaring maging maalon hanggang sa napakaalon.
Maaring umabot hanggang apat at kalahating metro ang mga
alon doon.
Kapag may gale warning, pinapayuhan ng DOST Pagasa at ng
National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayang na
ipapaliban ang pagpalaot sa mga nasabing lugar.
Ang nalalabing baybabayin dagat ng bansa naman ay maaring
maging katamtaman hanggang sa maalon.
“Ibayong pag-iingat pa rin (sa mga baybaying hindi pinaiiral
ang gale warning) dahil sa mga alon ay nabanggit na baybayin ay maaring umabot hanggang
tatlong metro ang taas,” dagdag pa ni Quitlong.
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#EsterPH,
DOST-Pagasa,
NDRRMC
Lunes, Hunyo 11, 2018
Babala ng DOST-Pagasa sa publiko: ilang baybayin maalon dahil sa Habagat
Mapanganib na
baybayin. Tinitingnan ni DOST-Pagasa
Weather Specialist Obet Badrina ang mga baybaying napakaalon dahil sa Habagat.
Sinabi ni Badrina na dapat munang iwasan ng mga mangingisda at mandaragat na
may maliliit na bangka ang mga naturang lugar. (larawan mula sa DOST-Pagasa)
Ayon kay DOST Pagasa Weather Specialist Obet Badrina, nakataas
pa rin ang Gale Warning o ang babala ng
malakas na pag-alon sa Karagatan sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan,
Cagayan at ang hilagang baybayin ng
Ilocos Norte,
Isabela, Aurora,
Zambales, Bataan, Mindoro at Batangas pati ang kanlurang baybayin ng Palawan.
“Sa ganitong mga lugar, magiging malakas ang pag-alon ng
karagatan, delikadong maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat…iwasang
pumalaot sa mga lugar na ito…dahil pa rin sa epekto ng Southwest Monsoon
(Habagat),” babala ni Badrina.
Samantala, ang Bagyong Domeng ay napakalayo na sa Pilipinas
at papuntang sa direksyon ng Japan.
Ayon kay Badrina, ang Bagyong Domeng ay isa na lamang severe tropical storm na maaring malusaw sa mga darating na araw.
Mga etiketa:
#DomengPH,
#EmpoweringCommunities,
DOST-Pagasa
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)